Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Robin, to the rescue kay Daniel

PINUTAKTI ng bashers sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo since mag-endorse sila ng presidential candidate.

Trending ang sinabi niya na kung hindi ka naman botante dapat ay ‘shut up’ ka na lang. Agresibo pa si DJ kaya mukhang walang pakialam kung manenega siya sa sinasabi niya. Hindi yata pumasok sa isip niya na  isang araw  lang ang eleksIyon. After niyon may fans at netizens  na turned-off  pag nanega. Dapat umiral pa rin ‘yung  love sila ng lahat.

May mga pasaway din na tinitira siya sa social media na nagsabing tumigil din siya sa pagku-concert dahil hindi rin siya singer.

Sey ni DJ nang hingan siya ng mensahe, ”Lahat tayo may opinion siyempre, pero before tayo mag-act or may sabihin make sure na alam natin ‘yung sinasabi natin. ‘Wag tayong masyadong matapang. Make sure na kaya nating i-back up ‘yung sinasabi natin.

“Hindi naman pwedeng salita tayo ng salita hindi natin alam ‘yung sinasabi natin. Marami kasing nagmamagaling eh sa eleksiyon, hindi naman botante. So shut up na, hindi ka naman botante eh. Sa lahat na lang ng mga bumuboto sana maging open-minded.”

Nag-post naman si Robin Padilla sa kanyang Instagram account na ‘wag ibuntong ang galit kay Daniel.

“Ang batang ito ay mabuting anak sa kanyang tatay lalo sa kanyang INA. Ang batang ito ay mapagbigay sa kanyang mga kapatid sa ina at ama.

“Ang batang ito ay malambing na APO sa lahat ng kanyang mga Lola at Lolo. Ang batang ito ay magalang na pamangkin sa lahat ng kanyang mga Tito at Tita.

“Ang batang ito ay mapagmahal sa kanyang mga pinsan at kamag-anak. Ang batang ito ay tapat sa kanyang mga kaibigan.

“Ang batang ito ay alipin ng kanyang mga tagahanga. Ang batang ito ay simbolo ng bawat nating pagkamulat.”

Patuloy niya, ”Paumanhin sa lahat ng kanyang nasaktan. Hinihingi ko ang suporta ng aking mga kapanalig, sana wag sakyan ang diversionary tactics ng Magdalo at alisin natin ang atensiyon kay Trillanes.

“Si Antonio TRILLANES ang kalaban hindi ang batang ito… Arbor ko na ang pamangkin ko na anak ng aking kapatid na si Kuya Rommel na Apo ng aking Ina na si Mama Eva.

“Mabuhay ang tunay na pagbabago #duterteparapresidente #arborkosidaniel”

Mabuti na lang may tiyuhin si Daniel na gaya ni  Robin na ni-rescue siya.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …