Monday , December 23 2024

Massive cheating/vote buying bantayan – Bongbong

MASYADO tayong nadedesmaya sa ginagawa ng administrasyon para siguruhin lang ang panalo ng mga manok nilang si Mar Roxas at Leni Robredo.

Ang sabi ni Madam Leni, hindi umano gumagamit ng maruming taktika ang kampo nila para upakan ang mga katunggali nila sa eleksiyon.

Wala tayong makitang katotohanan sa sinasabi niyang ito, dahil sa sa simula’t simula nanggaling sa kanila kung paano upakan at ilugmok si vice presidential candidate, Senator Bongbong Marcos.

Isang pruweba riyan, ang EDSA 30th celebration. Ayon mismo kay Undersecretary Manuel Quezon III ng Presidential Communications Development and Strategic Planning Office (PCDSPO), ang budget na inilaan dito ay P35 milyones.

Ang pinaka-highlight nito, ang experiential museum para sa millennial generation para maunawaan daw nila kung ano ang demokrasya at kung ano ang naganap noong panahon na ang presidente ay tatay ni Senator Bongbong.

Ang siste, nag-flop at hindi nag-click ang experiential  museum.

Arayku! Saan napunta ang P35 milyones?!

Pruweba po ‘yan at nangyari ‘yan.

Kaya hindi po tayo naniniwala sa patuloy na pagtanggi ng kampong Mar-Leni na hindi sila mandaraya.

Hindi ba’t ginagamit nila ang pagre-release ng 4Ps sa panahon na mayroong sorties sa mga probinsiya si Senator Bongbong?!

Hindi lang 4Ps, pati cash for work ay isinasabay din sa pagre-release sa mga lugar na mayroong nakatakdang sorties si Bongbong.

Hindi ba’t sukdulang pagkadesperado ‘yang mga hakbang na ‘yan?!

Pondo para sa mahihirap na Pinoy, ginagamit ng admin bets para ipangkampanya?!

Hindi ba’t klarong panggigisa ‘yan sa sariling mantika?!

Kahiya-hiya! Walang kadeli-delicadeza tapos sasabihin mga disente sila?!

Hindi rin daw totoo ang sinasabi ni Sen. Bongbong na Plan B ng Malacañang na by hook or by crook ay kailangan masungkit nila ang presidency.

Papayag na manalo si Digong Duterte pero ang VP si Leni. At majority ng Kongreso ay titiyakin rin nilang mga tao nila.

Pagkatapos manalo, i-impeach si Digong at presto, presidente si Leni.

Kaya naman pala mayroong LP bets na nagpapaulan umano ng pinakamababa ay P5,000 para sa Barangay Captains para ipanalo sila sa barangay, at nangangako ng P3M hanggang P5M sa mga mayor para tiyakin ang boto nila.

‘E sino lang ba ang puwedeng gumawa niyan? Hindi ba’t administrasyon lang?!

Ganoon din ang mind-conditioning na pa-survey.

S’yempre kung nakakondisyon ang isip ng tao na nangunguna sa survey si Leni, napakasuwabe na nilang mailulusot ang daya para sa kanyang panalo.

Kaya mga suki lalo sa lahat ng mga botante, bago o luma man ang ginagamit na taktika sa pandaraya ng kampong Mar-Leni, pakiusap lang, BANTAYAN po natin ang ating boto.

Tandaan po natin ang sinasabi ni Senator Bongbong: “Tingnan n’yo ‘yung resibo. Pag me problema ireklamo ninyo sa Board of Election Inspectors, sa NAMFREL (National Movement for Free Elections), sa PPCRV (Parish Pastoral Council for Responsible Voting), o kaya sa amin at magpapadala kami ng mga tao para matugunan ito.”

Higit sa lahat, bumoto po kayo nang maaga, dahil kapag tinanghali kayo, naroon na ang mga ‘hocus-focus’ at baka pati ang mga pangalan ninyo ay mawala.

Inuulit po ng inyong lingkod, maging handa bukas para sa pagboto at pagbabantay laban sa malawakang dayaan at vote buying.

Go! Ibasura ang massive cheating at vote buying!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *