Sunday , December 22 2024

Iboto natin…

NGAYONG araw ng eleksiyon sana ay maging pihikan tayo sa ating mga iboboto. Huwag tayong manghula o magpaimpluwensya sa kung sino-sino lamang. Ano man ang mangyayari, isipin natin na ang ilalagda natin sa mga balota ngayon ang magpapanday ng ating kinabukasan.

Kung ako ang masusunod…

Ang aking iboboto ay ‘yung hindi mapagmalinis kasi sa aking karanasan ‘yung mga nagmamalinis ang kadalasan ay walanghiya at walang pakikipag-kapwa tao.

Aking iboboto ang taong hindi galit sa mundo…

Aking iboboto ang taong hindi nagpapalagay na siya lamang ang laging tama…

Aking iboboto ‘yung hindi masyadong magnanakaw. Lahat ng mga politikong iyan ay magnanakaw dahil iyon ang disenyo ng sistema. Huwag kalilimutan na ang sistemang umiiral ay idinisenyo ng mga dayuhan para manatili ang kanilang impluwensiya at ang sistemang kanilang nilikha ay suhol sa lokal na elite.

Aking iboboto ‘yung mga kandidato na hindi inendoso ng mga organisadong relihiyon. Tiyak na may kapalit ang endosong ‘yan.

Aking iboboto ‘yung may galang sa karapatang pantao, sa kababaihan at sa due process.

Aking iboboto ‘yung walang kaugnayan kay Pangulong Benigno Simeon Aquino III, kanyang pamilya at iba pang dilawan na katulad nila.

Aking iboboto ‘yung may karanasan sa pamamalakad at hindi mga on the job training sa poder.

Aking iboboto ‘yung may malinaw na plataporma de gobyerno.

Aking iboboto ‘yung naniniwala sa kalayaan sa pamamahayag.

At higit sa lahat aking iboboto ‘yung may tibay na ipagtanggol ang pambansang kasarinlan at soberenya.

Ang mga binanggit kong ito ay pansariling pamantayan. Kayo ano ang pamantayan ninyo sa pagpili ng iboboto?

* * *

Boksingerong si Tim Bradley nakihalo sa mga kababayan natin at kumain sa isang Filipino restaurant sa California. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang aking bagong website,www.beyonddeadlines.com

Ang website na ito ay maglalaman ng malalalim na talakayan kaugnay sa mga pangyayari sa ating bayan at iba pa na mahalagang impormasyon para sa pang-araw-araw nating buhay. Sana ay makaugalian din ninyo na bisitahin ang website na ito. Pakikalat ang balita tungkol sa www.beyonddeadlines.com Salamat po.

* * *

Kung ibig ninyo na maligo sa hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subd. Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City, Laguna. Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sahttps://www.facebook.com/privatehotspringresort? fref=ts para sa karagdagan na impormasyon o reserbasyon.

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *