Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sen. Chiz at Heart, pagtutuunan na ang paggawa ng baby, pagkatapos ng eleksiyon

HANGA kami sa pananaw ni Vice Presidential candidate Chiz Escudero na ‘pag kumandidato ka sa politika, dapat handang manalo o matalo. ‘Yan lang daw ang pinaniniwalaan niya at hindi kasama ‘yung salitang nadaya.

Kung anuman daw ang kahinatnan ng laban niya ngayong election 2016, ngayon pa lang ay labis-labis na ang pasasalamat nilang mag-asawa (Heart Evangelista) sa lahat-lahat ng sumuporta sa kanila sa campaign period.

Samantala, kinunan din ng reaksiyon si Sen. Chiz sa tsismis na sinapak  umano siya ng asawa ni Sen. Grace Poe na si Neil Llamanzares dahil sa umamano’y hinahanap niya ang P300-M na pondo ng kampanya.

”Hindi ko rin alam kung saan galing ‘yun. Walang katotohanan whatsoever ‘yun. Magkumpare kami ni Neil. Kami na siguro ni Grace ang pinakamalapit na magka-tandem sa eleksiyong ito.

“Si Mar (Roxas) at si Leni (Robredo), ngayon lang nagkakilala. Si (Rodrigo) Duterte at si (Alan Peter) Cayetano, ngayon lang naging close. Si (Jejomar) Binay at si (Gringo) Honasan, magkaaway pa rati. Kinu-coup (d’ etat) ni Gringo si Cory (Aquino), kakampi ni Tita Cory si Binay. Si Miriam (Defensor-Santiago) at si (Bongbong) Marcos, magkaiba rin. Anti-Marcos si Miriam. Kami lang ni Senator Grace ang napakaraming pinagdaanan, napakaraming nalampasan. At ‘yung pamilya namin ang pinaka-close sa lahat ng magka-tandem,” deklara ni Senator Chiz.

Sey pa niya, ”Mabuti na rin na ‘yun ang sinasabi nila kaysa sabihin nila na magnanakaw kami o palpak o bobo kami. At least, ‘yung isyu at intriga na pinalalabas nila, maliwanag, walang basehan at katotohanan,” dagdag pa niya.

HIrit pa niya:,  ”Hindi ako naka-shades at wala akong black eye at araw-araw akong lumalabas ng bahay at nangangampanya.

“Ano ba ‘yon? Ang labo naman ng kuwentong ‘yon. Kahit sigawan, wala, ha? We’re very good actually. We get along perfectly well,” bulalas pa ni Senator Chiz.

“Bahagi ‘yan ng eleksyon. Parang showbiz lang ‘yan, kapag may pelikula, ang daming isyung lumalabas. Sa politiko ho, ‘pag may eleksiyon, maraming rin isyung lumalabas,” aniya pa.

“Sa politika ho, may posibilidad na walang kabase-basehan,” sambit pa ng simpatikong Senador.

Si Sen. Chiz ang tipo ng Vice Presidential candidate na hindi palaaway pero palaban siya ‘pag nasa katwiran. After election kasi ay makakasalubong niya ang mga ito at ayaw niya ‘yung iiwas siya ‘pag nagkita sa restoran o ibang events.

Anyway, kahit anong resulta sa eleksiyon, matalo o manalo ay naka-set na silang gumawa ng baby ni Heart sa susunod na taon.

Pak!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …