“IPINAGMAMALAKI niya sa media na siya ang nagbabayad ng tuition ng kanyang mga anak. Bukod doon ano pa?,” ganyan ang naging post ng aktres na siSunshine Cruz sa kanyang social media account.
Wala mang iba pang iba pang sabihin, alam naman natin kung ano ang tinutukoy ni Sunshine. Iyan iyong naging statement na naman ni Cesar Montano tungkol sa kanilang mga anak. Sinasabi niyon na may karapatan siya sa kanyang mga anak, at wala namang nagbabawal sa kanya na makita ang mga iyon.
Hindi naman siguro dapat na pagtalunan pa ang gastos sa kanilang mga anak. Alam naman halos ng lahat na bukod nga siguro sa tuition sa eskuwelahan, si Sunshine na ang bumabalikat ng lahat ng mga kailangan ng kanilang mga anak, kasi nakapisan nga lahat iyon sa kanya. Choice din naman ng mga bata na tumira sa nanay nila.
Pero iyan ba ay kailangan talagang pagtalunan pa?
HATAWAN – Ed de Leon