NATAWA kami roon sa nabalitaan naming isa pa raw scandal. May video scandal nga, pero hindi talaga video iyon kundi mga dating picture ng mga artistang lalaki na nakahubad at siyang inipon at ipinakita sa video. Marami sa mga picture na iyon ay totoo. Hindi pa naman uso ang photoshop noong araw, at hindi pa digital ang mga picture noon.
Hindi na rin bago iyan sa marami, kasi inilalako nga iyan sa kalye noong araw ng isang street photographer na member of the press na rin ngayon. Dati ang bentahan niyan ay sa isang photo booth na kumukha ng ID pictures sa kanto ng Soler at Rizal Avenue.
HATAWAN – Ed de Leon