Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alden, inire-request na ipalit kay Maine sa sugod bahay

INIYAKAN  ni Maine Mendoza ang panghihipo at pangungurot  sa kanya sa sugod bahay ng All For Juan, Juan For All ng Eat Bulaga. Ang ganitong pangyayari ay hindi talaga maiiwasan  at nai-experience ng mga artista mapababae o lalaki  lalo na ‘pag sobrang dami ng tao at hindi na nakakayanan ng security.

At least, mas dapat tutok ang security ngayon kay Maine at piliting hindi na maulit ang nangyari.

Inire-request tuloy ngayon ng AlDub Nation na  si Alden Richards ang sumugod sa barangay at sa Broadway Centrum na lang si Maine. Paano naman mangyayari ‘yun?

Mababago ba ang istorya sa  kalyeserye na  sina Jose Manalo, Wally Bayola at ang  suspendidong si Paolo Ballesteros  ang dapat laging  kasama ni Yaya dub.

Mas effective rin si Maine na nasa labas para matutong makisalamuha at makisama sa mga tao lalo’t  napupuna na may attitude ito. At least,  marami  siyang natututuhan sa bawat barangay na pinupuntahan niya.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …