Friday , November 15 2024

Pumugot sa Canadian tugisin — PNoy

INATASAN ni Pangulong Benigno Aquino III ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na tugin at panagutin sa batas ang mga bandidong kasapi ng Abu Sayyaf Group (ASG).

Ang pahayag ng Palasyo ay makaraan pugutan ng ASG ang bihag na Canadian na si John Ridsdel kamakalawa.

“The President has directed the security forces to apply the full force of the law to bring these criminals to justice,” ani Communications Secretary Herminio Coloma Jr.

Nagpahayag din nang pakikiramay ang Palasyo sa pamilya Ridsdel at pamahalaan ng Canada sa pagkamatay ng 68-anyos biktima.

“We extend our deepest sympathy and condolences to the Canadian government and to the family of Mr. John Ridsdel who died in the hands of the ASG bandits,” ani Coloma.

Kinompirma ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau ang pagpaslang ng ASG kay Ridsdel nang matuklasan ng mga pulis ang ulo ng biktima sa loob ng plastic bag na iniwan  ng dalawang kalalakihang sakay ng motorsiklo sa isang kalye sa Jolo, Sulu nitong Lunes dakong 8 a.m.

Si Ridsdel ay isa sa apat na turistang binihag ng ASG sa Samal island noong Setyembre 2015.

Nauna nang humingi ang ASG ng P300 milyon ransom para sa kalayaan ng bawat bihag at hanggang nitong Lunes (Abril 25) ang itinakda nilang deadline.

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *