NAGING male bold star siya noong late 90’s, matapos manalo sa isang male personality contest. Pero isang pelikula lang yata ang nagawa at nawala na. Muli siyang natsismis nang magtrabaho sa isang hosto club out of town at natsismis na may “ibang sideline” na alam na ninyo kung ano.
Tapos nawala ulit, ang sabi nag-abroad daw at sinubukan ang buhay doon, pero nagbalik din nang walang mangyari sa kanya roon.
May asawa na siya at may mga anak. Pero kawawa naman dahil ang sabi, tinorotot naman siya ng asawa niya habang nasa abroad siya. Ang tsismis ngayon, pakalat-kalat na naman siya sa kanilang bayan at binalikan ang kanyang “ibang sideline”.
Ang masakit lang, hindi na siya gaanong ka-in-demand kasi naman matanda na siya. ( Ed de Leon )