Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Derm clinic na nagbabalandra ng billboard ni Arci, idedemanda

PIKON na pikon na pala si Arci Munoz  sa isang derma clinic dahil wala umanong permiso na gamitin sa billboard ang larawan niya at doon sa caption na  ipinaayos ang isang part ng katawan pero hindi naman niya ipinagawa.

Nakiusap daw siya na tanggalin ‘yun dahil mga kaibigan naman niya ang mga tao roon pero hanggang ngayon ay nakakabit pa rin daw.

Balak na niyang idemanda ang nasabing derma clinic. Magkasabay daw silang magdedemanda ng isang wine company dahil ‘yung pictorial niya roon bilang modelo ang ginamit ng derma clinic na wala ring paalam.

Abangan ang pasabog na ito ni Arci ‘pag hindi naayos.

Isabel, may malutong na pahayag kay Ms. Araneta

DUMALAW kami sa shooting ng pelikulang Pagkatapos ng Umaga (The Story Of Love) ni Direk JM Aposaga.

Isa sa artista niya ay ang dating beauty queen na si Ma. Isabel Lopez.Habang ang lahat ay pinag-uusapan ang mga bagong beauty queens ngBb. Pilipinas at ang farewell speech ni Pia Wurtzbach, malutong ang kanyang pahayag.

“Ang beauty queens …they just come and go. Ang buhay ay malawak hindi umiikot sa Araneta Coliseum,” deklara niya.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin bati sina Isabel at Mrs. Stella Araneta.Matatandaang na-detroned noon si Isabel sa Bb. Pilipinas dahil sa pagbo-bold sa pelikula.

Tampok din sa pelikulang Pagkatapos ng Umaga (The Story Of Love) sinaAJ Ocampo, Francis Magundayao, Dianne Medina, Kyline Alcantara, at Jeff Gaitan.

Subic Bay, dadayuhin ng mga matitikas na modelo

DADAYUHIN NG humigit kumulang sa 80 matitikas at mga guwapong modelo at mga tauhan ng Whitebird Roxas Blvd., ang Subic Bay sa Linggo, Abril 24- 25. Gaganapin kasi ang taunang company outing ng Whitebird na  inilalaan ng kanilang management bilang pasasalamat sa pagkakaisa nila para mapanatiling number one ang all male entertainmentbar sa buong bansa.

Kilala ang Whitebird ‘di lamang sa Pilipinas kundi na rin sa iba’t ibang bahagi ng daigdig tulad ng Korea, China, Japan, New York, Los Angeles, Hawaii, Guam, at US.

Positive ang feedback ng mga guest ng Whitebird na bukod sa nagguguwapuhan ang mga modelo ay mabubuti pa ang kilos at ugali.Mahigpit ang pangangalaga ng management dahil gusto nilang gumanda ang takbo ng buhay ng kanilang mga tauhan.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …