Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Melai, ‘di totoong siya ang bumubuhay sa kanila ni Jason

NAKARE-RELATE si Melai Cantiveros sa friendship nila ni Pokwang sa We Will Survive.

Sa totoong buhay kasi ay natagpuan din niya ang totoong friendship kina Angelica Panganiban, Alex Gonzaga, Maja Salvador , Jolina Magdangal, Nyoy Volante, Edgar Allan Guzman, Maxene Magalona, Kim Chiu, Cacai Bautista,at Jay-R. Hindi na raw niya mabanggit lahat pero hindi rin niya akalain na magiging komportable siya sa mga ito.

Bagamat hindi naman regular ang kanilang komunikasyon, pero ‘pag nagkita-kita ay super saya talaga.

“Noong una kasi nai-intimidate pa ko, mababait naman pala sila,” sambit ni Melai.

Nagtatanong din kaya si Melai kay Angelica tungkol sa ka-partner niya sa We Will Survive na si Carlo Aquino? Nagtatanong din kaya siya ng tips kung paano ito pakisamahan? Matatandaang unang boyfriend ni Angelica si Carlo.

Samantala, mukhang masuwerte kay Melai ang baby nila ni Jason Francisco na si Mela dahil tambak ang projects niya bukod sa We Will Survive. Hindi naman daw kasi siya choosy sa mga proyektong ibinibigay sa kanya. Ini-enjoy niya at kuntento siya kung anumang blessings ang dumarating sa kanya. May baby na raw sila kaya kailangang mag-ipon.

Pero unfair naman ‘yung akusasyon na binubuhay niya ang asawa niya. Mas malakas lang siguro kumita si Melai pero may mga show din naman si Jason gaya nitong bagong My Super D. Madiskarte ring tao si Jason at hindi niya iniaasa lahat kay Melai.

Anyway, ‘pag may bakante siya, she  makes sure to spend quality time sa pamilya niya. Nandoon na mag-bonding sila sa mall o mag-stay sa isang hotel. Hinahati niya talaga ang oras niya sa trabaho at family.

Mas gaganda ang hapon kina Melai at Pokwang dahil sa mga tagpong magpapadama ng tunay na ganda ng pagkakaibigan sa * We Will Survive. Tutok na simula ngayong Lunes sa mas pinaaga nitong oras, 5:00 p.m. sa Kapamilya Gold!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …