Monday , December 23 2024

Killer ng misis ni Papa Dom arestado

BUMAGSAK sa kamay ng mga operatiba ng Makati City Police ang taxi driver na sinasabing sangkot sa pagholdap at pagpaslang sa isang ginang na asawa ng isang musikero at ilang serye ng pagholdap at paghalay sa isa sa mga pasahero, kamakalawa sa Bulacan.

Sa ulat na isinumite ni Makati City Police chief, Sr. Supt. Ernesto Barlam, kay Southern Police District (SPD) Chief Supt. Eusebio Mejos, ang naarestong suspek ay kinilalang si Ricky Ibatuan-Ramos, 24, tubong Brgy. Santo Niño, Gapan City, Nueva Ecija, residente ng Brgy. Harapin Ang Bukas, Mandaluyong City.

Sinabi ng tagapagsalita ng Makati Police na si Sr. Insp. Roman Salazar, nasakote si Ramos dakong 4 p.m. sa Brgy. Santa Lucia, San Miguel, Bulacan, sa pamumuno ni Supt. Angelo Germinal, deputy chief of police ng Makati City, kaugnay sa mga kasong robbery.

Ang pagdakip kay Ramos sa bisa ng mga warrant of arrest na inisyu nina Judge Alma Crispina Collado-Lacorte, ng Branch 21, Manila Regional Trial Court (RTC) at Judge Ronald B. Moreno, ng Branch 147, Makati City RTC.

Sa record ng pulisya, sangkot si Ramos sa pagholdap at pagpaslang kay Maria Amparo Gamboa, biyuda ng Filipino Musician na si Dominic “Papa Dom” Gamboa noong Pebrero 10, 2016 sa Kalayaan Avenue, Brgy. Guadalupe Nuevo, Makati City.

Sinasabing sangkot din si Ramos sa ilang serye ng pagholdap sa Makati at Mandaluyong at hinalay ang isa sa mga naging biktimang pasahero.

Ang modus ni Ramos ay pagkarnap ng taxi sa area ng Quezon City at Pasay, pagkatapos ay magpapanggap na driver at saka mag-aabang ng pasahero na kanyang bibiktimahin.

Masusi na rin iniimbestigahan ng Makati Police, kung sangkot din si Ramos sa pagholdap at pagbaril sa isang 17-anyos freelance therapist, sa Mandaluyong, noong Marso 21 dakong 3:30 a.m. sa Malugay St., Brgy. Bel Air, Makati City.

About Jaja Garcia

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *