Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vibrator, iba pa nakompiska sa ika-28 Oplan Galugad sa NBP

SA isinagawang ika-28 “Oplan Galugad” ng mga tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) sa New Bilibid Prison  sa Muntinlupa City, nakakompiskang muli kahapon sa mga inmate ng sari-saring ipinagbabawal na gamit kabilang ang vibrator, sa kabila nang mahigpit na seguridad na ipinatutupad ng NBP.

Naunang pinasok ng mga awtoridad ang mga selda sa minimum security compound at narekober ang anim cellphone, tatlong patalim at ilang appliances.

Sinalakay rin sa operasyon ang mga selda sa Building 2-A sa quadrant 4 sa maximum security compound na kinapipiitan ng mga kasapi ng Commando at Sputnik gang at nakompiska ang apat cellphone, dalawang airsoft gun,15 patalim at ilang pamalo.

Habang natuklasan sa loob ng isang vault ang vibrator sa selda ng hindi pinangalang bilanggo sa naturang gusali.

Maging ang Building 14 na dating selda ng convicted drug lord na si Tony Co, ay sinuyod din ng mga awtoridad at nakompiska ang isang airsoft gun na nakasiksik sa loob ng hagdan, 60 bala ng kalibre .38, .45 baril at 9mm habang 10 bala pa ang nakita sa loob ng isang medyas.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …