Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rey, sinuportahan ng mga kaibigan

DUMATING ang mga supporter at mga kaibigan ni Rey Langit sa A Heavenly Night Of Music With Rey and Friends na ginanap sa Believue Hotel, Alabang. Dumalo at kumanta sina Carmen Soriano, Victor Wood, Champ Lui Pio, Bigg X (Beatbox), Shipwreck Band atbp..

Marami ang nagbigay ng suporta kay Rey sa muling pagtakbo niya sa Senado. ‘Pag naluklok siya ay gusto niyang ipatupad ang batas na mabigyan ng insentibo ang mga taga- showbusiness at makagawa ng mga dekalidad na pelikula na panlaban sa buong mundo.

Si Rey Langit ay member ng board of trustees ng Aliw Broadcasting Corporation at station manager on leave ng DWIZ. Nakilala rin siya bilang magaling na columnist ng mga pahayagan at naging anchorman sa DZRH.

Siya ay pinarangalan din sa 27th PMPC Star Awards for TV bilang  Excellence In Broadcasting Award.

Siya ay isang Golden Dove awardee ng Kapisanan ng mga Broadcaster sa Pilipinas, ang pinakamataas na karangalang ibinibigay sa mga mamamahayag sa bansa.

Hall of Famer din siya ng Catholic Mass Media Award sa field ng broadcast journalism. Siya ang natatanging Pinoy na tumanggap ng Service to Mankindaward na ipinagkaloob ni Pope John Paul II sa Asya. Si Rey Langit ay kandidatong senador sa ilalim ng partidong UNA.

***

CONDOLENCES sa lahat ng naiwanan ng kaibigang movie columnist na si Danny Batuigas (Danilo B. Barrios). Ang kanyang labi ay nakaburol sa Hope Chapel, Don Bosco Memorial, Makati malapit sa Makati Cinema Square. Ililibing siya sa April 15.

Paalam Danny. Rest in Peace!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …