Wednesday , December 25 2024

Princess, muling maghahasik ng lagim via The Story of Us

SA pagbalik ni Princess Punzalan pagkatapos ng 15 taong pamamalagi sa America, isang panibagong hamon ang gagampanan niya sa The Story of Us nina Kim Chiu at Xian Lim.

Ayon sa kanya, malaki ang pagkakaiba ni Selina na ginampanan niya sa Mula Sa Puso sa bagong papel niya ngayon bilang Claudette. ”Kung si Selina ay dark talaga ang personalidad dahil sobra ang desire nitong magiging powerful kahit kailangang pumatay, kakaiba naman si Claudette dahil ang nagda-drive sa kanya ay love for her son na gusto lang nitong protektahan. Hindi siya palasigaw pero kahit pabulong siyang magsalita, manginginig na ang kausap nito.”

Labin limang taon siyang nawala at ngayon nagbabalik siya sa kanyang unang pag-ibig, ang pag-arte. ”Noong ipinadala sa akin ang character sketch, na excite ako kasi unang-una, na-miss ko talaga magtrabaho uli sa ABS-CBN and naisip ko rin, it’s been more that 15 years and naging iconic ‘yung role na Selina. I want to do something else na kahit kontrabida ay ibang phase naman, ‘yun ang naging challenge for me.”

Inamin nitong hindi siya nanibago dahil inaasahan niyang isa na namang kontrabida ang kanyang papel na mataray.

Dagdag pa, iba talaga kung passion niya ang kanyang ginagawa dahil kahit wala siyang tulog o kahit libre, talagang gagawin nito.

Ang huling pelikulang ginawa ni Princess bago umalis patungong America ay angMila na pinagbibidahan nina Maricel Soriano at Piolo Pascual na idinirehe niJoel Lamangan.

“Alam ng asawa ko na passion ko talaga ang pag-arte at alam niya na marami rin akong isinakripisyo para manatili sa America. So, nag-aral ako at natapos ko ito at ngayon ay registered nurse na ako. Kumbaga, na prove ko sa sarili ko na mayroon pa akong ibang gagawin sa sarili ko bukod sa pag-aartista,” paglalahad nito.

Nakapagtapos si Princess ng BS Nursing sa US at ngayon ay isa na siyang registered Nurse pero bago nakapagtrabaho sa ospital ay naging caregiver muna siya. ”Kulang kasi ako ng two years of experience at paano ka magkakaroon ng experience sa hospital kung hindi ka naman nila iha-hire so during that time, ayaw ko namang mawala ‘yung skills ko, ayaw kong mawala ‘yung knowledge ko so, tumanggap ako ng pasyente na I have to take care of my patient at home.”

Hindi alam ng nakararami na noong binagyo ang Leyte ni Yolanda, narito sa bansa si Princess dahil sa isang proyekto kaya naman nag-volunteer siya sa ABS Asia.”I saw what happened, I saw corpses, tatlong araw akong hindi naligo kasi walang tubig talaga. Nakarasyon ang tubig, titipirin mo talaga. Mahihiya ka pa nga na kumain ng canned goods dahil alam mo bigay ‘yun para sa mga tao,”pagbabalik-tanaw ng aktres.

STARNEWS UPLOAD – Alex Datu

About Alex Datu

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *