SINABI ni Direk Cathy Garcia Molina habang ginagawa nila ang pelikulangJust The 3 of Us na hindi na niya alam kung paano ang umibig muli.
Tinanong ang dalawang bida ng pelikula na sina John Lloyd Cruz at Jennylyn Mercado kung ano ang estado ng puso nila?
“Hindi naman puwedeng pigilan ‘yung pagtibok ng puso.Puwede naman siyang tumibok para sa sarili mo, eh,” may hugot na pahayag ni Lloydie.
Hindi naman daw kailangang mabigat ang buhay at malungkot ang mga single. Importante rin na mahalin ang sarili.
“Actually, nai-excite ako dahil ‘pag dumating ang araw na ‘yun .. mangyari ‘yung mga pinaggagagawa ko sa pelikula, mga look of love,‘yung may makita ka ng babae ,napakaganda ‘yung puwedeng mangyari,eh. ‘Pag galing ka sa ganito, nilo-look forward mo ‘yung ganoong moment,” bulalas ni JLC nang dumalaw kami sa set ng Just The 3 Of Us na showing sa April 27.
Matatagalan ba bago tumibok ulit ang puso niya?
“Wala naman yatang makakapagsabi niyon kaya nga nakae-excite kasi walang puwedeng magsabi sa ‘yo kung kailan,” pakli pa niya.
Sey naman ni Jen, ”Lagi namang tumitibok ang puso ko, eh. Masaya ako kasi lagi naman akong in-love.Nandiyan ang anak ko, family ko.”
Paano si Dennis Trillo na inialay ang ang Best Actor trophy niya sa kanya?
“Nasa kanya na po ‘yun kung kanino niya gustong ialay,” pakli ni Jen.
Samantala, inamin ng Home Sweetie Home actor na si John Lloyd na nagkita sila ng Banana Sundae star na si Angelica Panganiban sa Hongkong.
“If you’re asking kung nagkita kami ni Angelica, nagkita kami. Napakaliit ng Hongkong. Hindi ko naman siya iniiwasan, hindi naman niya ako iniiwasan. Nabibigyan ng malisya pero nagkita lang kami roon kung paano ko nakita sina Kuya Aga (Muhlach), Charlene (Gonzales). Si Ruffa (Gutierrez), may picture pa nga kami,eh,” deklara pa niya.
Natawa rin si JLC sa isyung hindi naman talaga sila nag-split ni Angelica. Gusto lang nila na maging pribado.
“Mahirap kasi it’s always hard to go into details. I mean, sana po kaya naming sagutin ‘yung gustong malaman ng iba pero ‘yun ho, eh, parang it’s almost impossible kasi it’s too personal and minsan kahit naiintindihan namin how public our lives are pero para rin po maprotektahan ‘yung natitirang para sa amin eh nahihirapan kami to go into details.
“Pero we always try our best na ibigay sa public namin at sa inyo ‘yung kaya namin, ‘yung maibabahagi lang namin. And we always try to be honest as possible kasi after all napakaliit lang ng mundo nating lahat eh. Kahit nga pumunta ka ng Hong Kong kahit Zimbabwe pa, mayroong makakakita at makakakita sa ‘yo and I don’t think I wanna live my life that way na nagtatago ako or mayroon akong gustong ilihim because I’m a very practical guy. What you see is what you get.
“Parang kung mayroon akong mahal, I’m not go shouting it to the whole world pero hindi po ako magtatago,” deklara pa niya.
Talbog!
TALBOG – Roldan Castro