Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Commercial ng mag-inang Grace at Susan, cute

NAGSALITA na ang Supreme Court sa kasong isinampa laban sa presidential candidate na si Grace Poe.

Ibinasura ng Korte Suprema and desisyon ng Commission on Election na huwag payagang kumandidatong pangulo ang sanggol noon na napulot sa isang simbahan sa Iloilo.

Ang desisyon ng pinakamataas na hukuman ay malaking tagumpay kay Grace. Dahil tuluyan ng nawala ang pabigat na nakadagan sa kanyang balikat bukod dito lalong lalakas ang kanyang kandidatura dahil hindi na mag-aalala ang mga sumusuporta sa kanya na mababasura lamang ang kanilang mga boto sakaling siya ay ma-disqualify.

At dahil patuloy ang pangunguna niya sa lahat ng survey mas malamang na si Grace na nga ang susunod na pangulo ng bansa.

Ang inaasahan lang na pinakamahigpit niyang katunggali sa panguluhan ay sina Mayor Rodrigo Duterte at Vice President Jojo Binay.

Sa kanilang limang kandidatong pangulo mukhang mapapako na lamang sa number 4 si Mar Roxas. Ang botong nakukuha nina Poe at Duterte ay galing sa protest votes na sawang-sawa na sa kapalpakan ng administrasyon.

Ang pagiging hindi trapo ni Grace ang isa sa mga dahilan kung bakit marami ang nagkakagusto sa kanya dahil sawa na ang marami sa kasinungalingan ng mga traditional politician na hindi marunong tumupad sa pangako.

Marami ang umaasa na kung magiging pangulo si Grace ay mababago ang takbo ng kanilang miserableng buhay sa loob ng anim na taon.

Incidentally cute ang simpleng TV commercial nina Grace at ang kanyang ina, ang dating movie queen na si Susan Roces. At gaya ng mga sinasabi niya sa commercial, hindi dapat biguin ni Grace ang mga taong umaasa sa kanya kaya malamang ay hindi sila mabigo.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …