Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga makabagong komedyante, itatampok sa Funny Ka…Pare Ko

SA sitcom na Funny Ka.. Pare Ko na napapanood tuwing Lingo,7:00 p.m. sa ABS-CBN TVplus’ Cinemo ay tinanong ang dalawang bida ritong sina Bayani Agbayani at Karla Estrada kung bakit sa tingin niila ay dapat panoorin ng mga tao ang kanilang sitcom?

“Unang-una po kasi ito ‘yung family-oriented show. Matagal-tagal na po kasing nawala si Mang Dolphy. Si Mang Dolphy po kasi talagang pinanonood natin siya dahil bukod sa natutuwa tayo sa sitcom niya mayroon ka pang natututuhan.

“Dito po, hindi lang kayo basta masisiyahan, nag-i-insert pa kami ng Filipino values like ‘yung pagmamano ng mga bata sa kanilang mga magulang, pagsasabi ng po at opo, pagdarasal bago at pagkatapos kumain gayundin bago matulog at pagkagising. Lahat po ng magagandang kaugalian ng Filipino family, lahat po ng values ay ininsert namin sa sitcom na ito,” sabi ni Bayani.

Sabi naman ni Karla, ”Kaya namin sasabihin na dapat panoorin ito, kasi ito po ‘yung bagong henerasyon ng pagpapatawa. Para rito po sa mga bago nating komedyante na mabigyan sila ng pagkakataon na maipakita ang talent nila sa pagpapatawa.

“Ako po nandito na sa industriya for almost 30 years. Ngayon pa lang ako nakikilala ng mga tao na nakakatawa pala ako, sabi nila. So kailangan ninyong panoorin para mas maakita ninyo pa kung sino kami na mga makabagong komedyante.”

MA at PA – Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …