Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Richard, suportado ang Melchora partylist ni Grace

HABANG nagtsitsikahan kami ni Gerald Santos ay magkakasabay naman na dumating sina Richard Gomez, Lucy Torres, at Grace Ibuna sa Dong Juan Resto.

Naikuwento sa amin ni Grace noong proclamation ng Melchora partylist sa Club Filipino na hangang-hanga siya kay Goma dahil suportado niya ang Melchora. Kahit hindi na raw magpunta ng Ormoc si Grace ay ipapakabit ni Richard ang tarp ng Melchora.

Tinanong din si Grace kung humingi rin ba siya ng tulong kay Gabby Concepcion, ama ng anak niyang si Garrie para ikampanya ang Melchora?

”Hindi, bakit? Eh alam mo naman ako, kinukusa dapat. Ayoko namang pilitin. Baka magpabayad pa sa akin ng mahal,” pagbibiro niya sabay tawanan.

“I-edit niyo ‘yung kay Gabby,”  pabakla pa niyang sabi.

Pero ano ba ang MELCHORA  party list na #26 sa balota?

“MELCHORA is the acronym of Movement of Women for Change and Reform. So, we came about it  kasi nakita namin walang pro-active groups for women, and you know vulnerable women, and, kami kasi that’s why we included the children kasi ‘di ba ‘yung nanay, kung ano ‘yung personalidad nu’ng nanay, normally it’s pass on to the child ‘di ba? So, kunwari, miserable ka’ng nanay your children will feel miserable also.  But if you have a happy mother, you will have happy children, hindi ba? Parang ganoon, haha,” pakli ni Grace.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …