Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kathryn, natakot nga ba sa pagsulpot ng AlDub at JaDine?

TINANONG si Kathryn Bernardo kung threat ba sa kanila ang ibang loveteams gaya ng AlDub (Alden Richards at Maine Mendoza) at JaDine (James Reid at Nadine Lustre).

“Feeling kasi namin, iba-iba  rin‘yung ino-offer ng bawat loveteam. Ang importante siguro ay ‘yung bawat fan groups, may kanya-kanyang sinusuportahan at respetuhin ang bawat sinusuportahan kasi at the end of the day nagtatrabaho lang kami. Hindi kailangang gawan talaga ng isyu.”

Hindi ba nila pinag-usapan ni Daniel Padilla na mag-level up?

“Basta sa amin ni DJ, sinasabi namin na dapat ‘yung mga tao na sumusuporta sa atin hindi sila mawalan ng rason kung bakit tayo sinusuportahan.. with the good projects na gagawin mo, ‘yung quality and ‘yung pakikisama sa kanila hindi naman ‘yun nawawala. Kami naman ni DJ mula noong umpisa naman, ‘yung totoo ang ipinakikita namin sa tao. Hindi kailangang ma-pressured sa iba. Kanya-kanyang diskarte, ‘yun,” sambit niya.

Nag-celebrate si Kathryn ng kanyang 20th birthday kasama ang Noordhoff Craniofacial Foundation sa KFC, Quezon Avenue.

Sey niya, isa ito sa special na selebrasyon ng kanyang kaarawan. Napaiyak pa si Kat sa kasagsagan ng programa.

“Nakita mo ‘yung mga bata na natulungan mo at masaya ako na nakita ko sila,”aniya.

Ang mga batang natulungan ni Kathryn ay may mga bingot na ipinaayos niya at ngayon ay nakaka-smile na ng maganda.

Twenty na ngayon si Kathryn, ready na ba siyang umamin sa isang relasyon?

“Tingin ko wala ‘yun sa age, eh! Kung sa 18 ka man o 19 o 20 basta naramdaman mo na ready ka na sa isang relationship,depende ‘yun sa tao .Walang specific age, basta dapat ready ka na para ma-enjoy,” pakli ng dalaga.

Noong March 26 ang talagang birthday ng Teen Queen at nagpunta raw sila sa Balesin na naroon din ang rumored boyfriend niyang si Daniel, ate niya at mga kaibigan. Happy siya at nag-enjoy sila. Actually, bitin nga raw.

Wallet daw ang  regalo ni DJ sa kanya. Mukhang terno sila ng wallet kaya ‘yun na rin ang ginagamit niya.

Hanggang ngayon ay isyu pa rin ang hindi nila pag-amin kompara kina James at Nadine.

“Chill lang kami.Parang okay naman ang mga tao na ganito. Hindi naman kailangan na ano …” sambit ni Kathryn na ang tinutukoy ay ang pag-amin.

Tsuk!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …