Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Journalist, nasampolan ng kamalditahan ni Maine

IN character lang siguro si Maine Mendoza bilang Yaya Dub sa Kalyeserye na jologs nang humarap ito para ipakilala sa respetadong journalist kaya ganoon ang naipakitang ugali.

Ang eksena, nag-request na makapag-picture sa kanya ang nasabing journalist kasama si Alden Richards kasi may nakahanda siyang mahabang artikulo sa dalawa na kanyang ipa-publish. Kaya lang parang hindi umano namansin si Maine dahil busy ito sa ibang bagay. Ang tanging pakonsuwelo na lang ng journalist ay ang  napakabait sa kanya ni Alden na very accommodating. Kaya nabawi ang sama ng loob kay Maine.

Nangyari ito sa launching ng isang produkto para sa dalawa sa Trinoma Activity Center at kinabukasan, tinawagan kami ng nasabing journalist para ikuwento sa kanyang encounter kay Yaya Dub. From here, gusto na naming maniwala sa nabalita noon na si Ai-Ai Delas Alas ay nasampolan ng kamalditahan ni Yaya Dub.

Aniya, plastikada raw si Maine at walang sensiridad ang mga ngiti. Pati ang pabebe-kaway nito ay masyadong mechanical as in, walang puso dahil para itong robot na kung kailan lang feel ngumiti ay at saka ngingiti at kung kailan gustong kumaway ay kakaway.

STARNEWS UPLOAD – Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …