USAP-USAPAN ang pagsali sa audition ng Pinoy Pop Superstar champion na si Gerald Santos sa Miss Saigon.
Noong mapanood nga siya last year ng movie press sa San Pedro Calungsod, the Musical ay may mga nagsabi na mag-audition na ito sa mga international stage play dahil napakagaling niya.
Pero isang malaking pasabog sa 10th year sa showbiz ni Gerald ‘pag nakuha siya sa Miss Saigon dahil umabot siya sa final callback.
Dumaan sa butas ng karayom ni Gerald. Pumila siya ng anim na oras sa unang araw ng audition na mga 300 sila. One hundred sixty four daw ‘yung number niya. One minute lang pala pakikinggan ang boses ng nag-audition kaya dapat ibigay na ang highlight ng inaral na piyesa sa Miss Saigon.
“Nakita ko sa Facebook newsfeed na may audition date na. Nag-research ako. Binasa ko sa Google ‘yung musical. Sa YouTube, hinanap ko ‘yung mga video at recording, pinanood ko at pinakinggan at pinag-aralan ko ‘yung performance ni Thuy,” kuwento pa niya nang mag-lunch kami sa Dong Juan Resto.
Nagkaroon siya ng second callback after two days. Inemail na sa kanya ang piano guide para sa kanta ni Thuy. Iba na pala ang lyrics ng kanta ni Thuy sa bagongMiss Saigon dahil ‘yung inaral ni Gerald ay noong panahon pa ni Lea Salonga. Nagkaroon siya ulit ng third callback na may dance at vocal training. Ito ang pinaka-challenging kay Gerald dahil hindi naman niya forte ang pagsayaw. Aminado siyang kinabahan.
Sa third round, may ipinaaral din sa kanya ang bagong kanta for ensemble naman, mga blending para sa grupo. Pero nagulat si Gerald dahil in the middle ng dance training, hinatak siya ng mga British (musical and casting director) at pinakanta sa kabilang kuwarto. Tapos itinuro sa kanya ang mga atake roon sa songs at grabe raw ang pagpiga sa kanya at nagustuhan naman ang performance niya.
After that, kinabukasan nagkaroon siya ng final callback with Claude MichelSchonberg (composer ng Miss Saigon).
“Ay grabe ‘yung kaba ko noong tawagan si Kuya Cocoy (manager niya) para sa final callback. Dumating kami ron grabe na ‘yung panel ng judges. Pero noong nandoon na ako mismo sa room, hindi na ako kinabahan kasi parang feeling ko, well-equipped na ako noong time na ;yun dahil sa mga itinuro nila, inputs nila nai-apply ko,” sambit pa niya.
“May mga part siyempre na nauna ako sa timing, si Mr. Schonberg very passionate siya,eh ‘Stop, stop! Be ready okey, always be ready. Be attentive’ ganoon. ‘Always be ready, be conscious with your musical cues.’ Ha!Ha!Ha! Very passionate siya. Na-perform ko naman ng maayos. Tinanong naman ako kung alam ko pa ‘yung isang kanta ni Thuy, hindi ko pa napag-aralan pero familiar ako roon sa song na ‘yun. Maya-maya, ipinaaral sa akin ‘yung sinasabi niya. Pinapunta ako sa pianist with the musical director. Natuwa naman sila kasi nakuha ko naman agad,” kuwento pa niya.
Hinihintay na lang ngayon ni Gerald ang resulta kung pasok siya talaga sa Miss Saigon.
Pero bakit ganoon siya sa ka-open sa social media sa pag-audition niya? Hindi ba siya natatakot kung sakaling hindi positibo ang maging resulta ng audition niya? Although, dinaig na niya ang ibang sikat na singers na hindi na umabot sa second callback.
“I’m just sharing po ‘yung naging experience ko.Hindi ko naman siya ipino-post para ipagyabang,” tugon niya dahil first time niyang mag-audition sa mga international musical play.
‘Yung iba kasi nahihiya na ipaalam na nag-audition kasi baka bumagsak?
“Sobrang nakaka-proud lang po sa sarili. Kumbaga, nakakanta ka in front nitong mga Western Theatre Guts na tinatawag. ‘Yung thought na ‘yun sobrang honor na sa akin. Lagi ko namang inilalagay sa post ko na kung anuman ang maging resulta ay worth it na ang lahat dahil nakapag-perform ako sa kanila. Hindi ko naman sinasabi roon na pasok na pasok na ako. Lagi kong sinasabi roon na kung anuman ang resulta, si Lord na ang bahala,” pakli pa niya.
“Hindi po talaga biro ‘yung audition. Grabe. Out of 900 nakarating ka sa final callback at ‘yung talagang literal lumusot ka sa butas ng karayom, eh. It’s something na worth sharing at magsilbing inspirasyon sa iba, ‘yun po ang purpose ko na kahit ‘yung mga professional ay dumaraan din sa ganito,” sey pa niya.
Wish namin sana makapasok sa Miss Saigon si Gerald.
Pak!
TALBOG – Roldan Castro