Tuesday , December 10 2024

Mon Confiado at John Arcilla, muling nagsama sa pelikula

00 Alam mo na NonieMAGKASAMANG muli sa pelikula sina Mon Conifado at John Arcilla. Matatandaang sila ang lead actors sa hit movie na Heneral Luna na ginampanan nila ang makasaysayang karakter ng mga heneral na sina Antonio Luna at Emilio Aguinaldo.

This time naman, sina Mon at John ay kapwa member ng SAF na naging bahagi ng Mamasapano clash na ikinasawi ng SAF 44. Pinamagatang Miracles Are Forever, isa itong trilogy at kasali sila sa episode na The Mamasapano Untold Story ni Direk Carlo J. Caparas.

“Kasali ako sa episode na The Mapapasapano Untold Story. Kami nina John Arcilla, Bobby Andrews, Rodjun Cruz, Sid Lucero at si Richard Gutierrez.

Kuwento ito ng isang member ng SAF na nabuhay at nakaligtas, na miyembro ng El Shaddai. Si Richard iyon, totoong character siya na miyembro ng El Shaddai.

Isa ako sa SAF na nakaligtas dito at ang tawag sa amin ay Magic 13.

“Mga miracles na nangyari talaga ito, true story lahat na based sa kuwento ng El Shaddai members. Kaya Miracles Are Forever ang title ng mo-vie,” esplika ni Mon.

Ayon pa sa versatile actor, ang SAF member na ito na ginagampanan ni Richard ang nagkukuwento sa tunay na naganap sa Mamasapano encounter.

“In fact, halos every shooting nandoon siya. Allan Franco ‘yung name na ginagampanan ni Richard. Based on a true character and true events talaga. Iyong gumanap na wife niya is Arci Muñoz at si Jackie Lou Blanco naman ang nanay.

“Tinatawagan din siya ni Direk, kinakausap ni Richard, ikino-coach niya kami bale kung ano talaga ‘yung nangyari. Kasi nakaharap talaga ni Allan si Marwan. Tsaka nakita niya talaga ‘yung pinutol ‘yung daliri, ‘yung pinatay, hanggang tumakas… ‘yung pagkaka-corner ng SAF 44 talaga.

“Si Marwan dito gagampanan ni Ronnie Quizon, tsaka may isa pa si Basit played by ‘yung brother ni Richard na si Elvis Gutierrez.

“Si Direk Carlo, fan siya ng Heneral Luna (movie) eh, kaya niya kami isinali sa cast ni John,” nakangiting saad pa ni Mon.

Tinanong din namin siya kung ano na ang balita sa sequel ng Heneral Luna na this time ay pagbibidahan naman ni Paulo Avelino bilang si Heneral Gregorio del Pilar.

“After Heneral Luna, ang susu-nod ang Gregorio del Pilar, tapos ay Manuel L. Quezon. Ako  ang magi-ging Aguinaldo roon sa tatlong mo-vie, naka-plano talaga iyon. Buo na iyong script ng Gregorio, pero kumbaga tinu-tune pa rin. Kasi,  mara-ming  research  talaga  ang kaila-ngang gawin, e. Talagang pinagha-handaan ni Direk Jerrold (Tarog).”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Maris Racal Anthony Jennings

Maris at Anthony pinagwelgahan na ng mga produktong ineendoso

HATAWANni Ed de Leon NOONG una naming marinig ang statement at apology na ginawa niyong …

Jamela Villanueva Maris Racal Anthony Jennings

Pasabog kina Maris at Anthony parang national issue

I-FLEXni Jun Nardo UMARIBA ang mga sawsawero’t sawsawera sa pagbubuking kina Maris Racal at Anthony Jennings na para bang …

Blind Item Aktor hirap umupo TV Diretor

Male star bumalik sa pagbebenta ng lupa, direk iniwan

HATAWANni Ed de Leon NAKITA namin ang isang male star na gumagawa ng mga BL series sa …

Neri Naig

Neri Naig laya na, kasong isinampa ipinarerepaso 

HATAWANni Ed de Leon HALOS matapos ang limang araw na pinayagan si Neri Naig na madala sa …

Klinton Start

Klinton Start, patuloy sa paghataw sa dance floor

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG taon na ang nakaraan, isa si Klinton Start sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *