Friday , May 24 2024
Rhian Ramos Tom Rodriguez JC de Vera Huwag mo Kong Iwan

Rhian Ramos, Tom Rodriguez, at JC de Vera, tampok sa Huwag Mo ‘Kong Iwan 

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

IPINAHAYAG ni Rhian Ramos na excited siya sa bagong pelikulang gagawin. Pinamagatang Huwag Mo ‘Kong Iwan, co-stars dito ng aktres sina Tom Rodriguez at JC de Vera.

Wika ng aktres, “I was so excited, kasi komportable na ako kay Tom. We have a great working relationship on set, even as friends…so I was happy na we get to do a movie together and that he’s back.”

Aniya pa, “Sa lahat naman ng ginagawa ko, it’s good kapag medyo ninenerbiyos ako. I find it to be a good sign. I’m so grateful to be part of this project and to have this role and to have this opportunity to work with everyone here, especially Direk Joel.”

Ang Huwag Mo ‘Kong Iwan ay pamamahalaan ng award-winning director na si Joel Lamangan, with Dennis Evangelista as line producer.

Idiniin ni Rhian na gagawin niya ang lahat para maging karapat-dapat sa pagtitiwala ni Direk Joel, kahit mabembang pa siya.

Bulalas niya, “Imagine sa 18 years ko in the industry, hindi kami nagkatagpo, hindi kami nakagawa ng pelikula o ng show man lang. Kaya I was really surprised when I had the phone call from my manager na may inquiry, nagulat talaga ako, hindi ko ini-expect.

“Tapos, sobrang madaling-madali ako sa pagbasa ng script, I wanted to know na kaagad everything about the movie, about the role. So, I can just say I’m very excited and I’m going to do my best.”

Sa pelikula ay bibigyang buhay ni Rhian ang papel ng isang babaeng naiipit sa dalawang lalaki, isang kababata at isang abogadong pinagkakautangan niya ng loob.

Ang Huwag Mo ‘Kong Iwan ay hatid ng Bentria Productions na pagmamay-ari ni Engr. Benjamin Austria. Ito ang kasunod na movie project ng kanyang film outfit after ng internationally acclaimed film na Broken Blooms, starring Kapuso actor Jeric Gonzales.

Sa media conference nito na ginanap sa The Manila Hotel, ipinahayag ni Engr. Austria ang kagalakan na sa kanyang second project ay natupad ang wish na si Direk Joel ang mamahala ng kanyang ikalawang pelikula.

“Maganda ang story nito at overwhelming… happy ako dahil noon, pangarap ko lang na si Direk Joel Lamangan ang magdidirek ng movie na ipo-produce ko. Thank you direk at maganda ‘yung prinesent mo sa akin,” pakli ng mabait na movie producer.

Tampok din sa pelikula sina Rita Avila, Pinky Amador, Emilio Garcia, Jim Pebanco, Simon Ibarra, Lloyd Samartino, Tanya Gomez, Nella Dizon, Felixia Crysten, Ricci Jereza-Chan, Marcus Madrigal, Caramel, Rave Obado, at iba pa.

About Nonie Nicasio

Check Also

Joel Cruz at mga anak rumampa sa Filipinxt Fashion Show sa NY

MATABILni John Fontanilla HINDI malilimutan ni Lord Of Scents at CEO & President ng Aficionado Germany …

Beaver Magtalas Mutya Orquia

Beaver sa pagpasok sa isang relasyon: gusto ko handa na ako

MA at PAni Rommel Placente SA nagdaang Star Magic Prom 2024, na ginanap sa Bellevue Hotel noong …

Albie Casino

Albie proud maging ama, iba ang sayang naramdaman

MA at PAni Rommel Placente IBINALITA ni Ogie Diaz sa vlog nila nina Mama Loi at Dyosa Pockoh na Showbiz Update, na …

Jeraldine Blackman Anna Magkawas

Jeraldine Blackman may espesyal na diet

RATED Rni Rommel Gonzales ANG Blackman family ay pamilya ng content creators na naka-base sa Australia. Ito …

Caris Manzano Aica Veloso JD Aguas Jenn Rosa

Caris Manzano nagka-trauma, tinangkang halayin ng amain

RATED Rni Rommel Gonzales TRAUMATIC para sa Vivamax actress na si Caris Manzano ang attempted sexual harassment sa kanya …