Thursday , April 10 2025

PNoy walang kinastigong NAIA official sa brownout

WALANG kinastigo si Pangulong Benigno Aquino III ni isa mang opisyal ng Manila International Airport Authority (MIAA) at Department of Transportation and Communications (DOTC) sa kabila nang malaking aberyang idinulot nang halos pitong oras na brownout sa NAIA Terminal 3 noong Sabado hanggang Linggo.

Sinabi ni Communications secretary Herminio Coloma Jr. sa ginanap na pulong ni Pangulong Aquino sa DoTC officials sa Palasyo kahapon, inatasan ng Punong Ehekutibo sina Secretary Emilio Abaya at MIAA General manager Honrado na magpatupad ng contingency measures upang maiwasang maulit ang nasabing brownout.

“President Aquino has directed Secretary Abaya and Airport General Honrado to adopt contingency measures to prevent the recurrence of the power outage that disrupted operations at NAIA terminal 3 over the weekend,” ani Coloma.

Binigyang din aniya ng direktiba ng Pangulo ang airport authorities na maging alerto upang matiyak lagi ang kaligtasan ng mga pasahero.

Nauna rito, nanawagan ang ilang mambabatas na magbitiw na sina Abaya at Honrado bunsod ng insidente dahil sa kapabayaan nila sa tungkulin.

Magugunitang naging malakas din ang hirit ng iba’t ibang sektor na sibakin ng Pangulo sina Abaya at Honrado sa kasagsagan ng tanim-bala incidents sa NAIA.

About Rose Novenario

Check Also

Vice Ganda George Royeca Angkasangga Partylist

Vice Ganda ‘napasagot’ ng Angkasangga Partylist

MARAMING partylist ang nanligaw para sa endorsement ni Unkabogable Star Vice Ganda, ngunit tinanggihan niya ang mga …

Vilma Santos

Batangas gov bet pinagpapaliwanag sa ‘laos’ remark laban kay Vilma 

I-FLEXni Jun Nardo TULOY lang ang kampanya sa Batangas ni Vilma Santos–Recto kahit may nagsasabing laos na …

Bulacan Police PNP

‘Boy Tattoo’ tiklo sa gun ban

rapist, carnapper nasakote rin INARESTO ng pulisya ang isang lalaking lumabag sa Omnibus Election Code …

Shamcey Supsup Ara Mina

Shamcey kumalas sa partido; Ara tahimik

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGBITIW na rin si Shamcey Supsup-Lee bilang kapartido ng Kaya This sa Pasig City. Bunsod ito …

Vilma Santos

Plataporma ang ilatag at ‘di pambabatikos

PUSH NA’YANni Ambet Nabus WALANG ipinagkaiba ang abogado na taga-Pasig kay Jay Ilagan ng Batangas na nanlait …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *