KAPAG hindi busy sa taping, nahihilig ngayon si Raymart Santiago sa skydiving. Ito ang extreme sport na pinagkakaabalahan ng Kapuso actor. Katunayan, mayroon na siyang binuksang negosyo para rito, ang Skydive Greater Vigan.
Naging patok ito sa mga turista na bumibisita sa probinsiya at recently nga ay ang Hollywood actor na si Steven Seagal ang naging guest sa kanilang center. Kaya naman nagkaroon ng rare chance si Raymart at iba pang divers na magpa-picture sa international star.
TALBOG – Roldan Castro