Friday , November 15 2024

PH walang balak makigiyera sa China — PNoy

WALANG plano ang Filipinas na pumasok sa giyera laban sa China kaugnay ng sigalot sa teritoryo sa pinag-aagawang isla sa West Philippine Sea (WPS).

Sinabi ni Pangulong Benigno Aquino III sa Publish Asia 2016 sa Manila Hotel, ayaw ng Filipinas ng giyera dahil walang panalo rito kaya ang ginamit na pamamaraan ng gobyerno upang resolbahin ang territorial disputes sa West Philippine Sea ay sa pamamagitan ng paghahain ng reklamo sa UN tribunal.

“Nobody stance to gain, and intact the whole starts to lose if it does bound to war, the Philippines for instance renounces war as an instrument to foreign policy that’s embedded in our Constitution,we have no illusions of ever trying to match, trying to engage anybody in an arms race or the military buildup, we would rather devote our resources to the classical economical, the butter side rather than the gun side,” paliwanag pa ni Pangulong Aquino.

“Let us resolve with certainty the issues that are before us, who is entitled to what and what is each, once obligations relative to these entitlements, and having to resolve that, then we can proceed to improve all of our relations because there is certainty in how we are supposed to deal with each other,” dagdag pa niya.

Wika pa ng Pangulo, dumulog din sila sa ASEAN leaders upang hingin ang suporta ng mga ito sa ipinaglalaban ng Filipinas sa territorial disputes upang maresolba ang sigalot sa legal na pamamaraan.

“And we are glad to note that more and more are joining our position that there has to be a solution to this issue again based on international law, based on a rules-based approach in resolving the matter. And we are glad that our voice has been heard and the voice of others who are similarly situated has been noted and there has been positive movements towards resolving this particular crisis,” paliwanag pa ni Pangulong Aquino.

About Rose Novenario

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *