Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bea at Angel, dream leading lady ni Coco

NAKITAAN ng chemistry sina Coco Martin at Anne Curtis sa Ang Probinsyano. Bagay sila at puwede nilang dalhin ang tambalan nila sa big screen. Sey nga nila, natalbugan ni Anne ang leading lady ng serye na si Maja Salvador.

Isa rin pala sa pangarap talaga ni Coco ay makatrabaho si Anne .Hindi raw niya akalain na ganoon  ka-professional at napakagaan na kasama ang aktres.

Pero  after Anne at Maja, gusto pa rin ni Coco na makasama sa serye niya sina Bea Alonzo, Angel Locsin, at ang rumored girlfriend niyang si Julia Montes.

***

ILANG beses na bang nagpaalam si Kris Aquino sa showbiz pero bumabalik pa rin?

Kaya, hindi na bago nang sabihin niya sa finale ng kanyang morning show na Kris TV na ”I’ll be back.”

Dagdag pa niya, ”Pagaling lang po muna.”

Mga dalawang buwan umano na magbabakasyon si Kris.

Sige!

***

PERSONAL: Naging makabuluhan ang Holy Week namin dahil umuwi kami sa Binalonan, Pangasinan. Hindi namin nakalimutang dumaan sa Our lady of Manaoag at sa Baguio Catholic Cathedral Church.

Noong Sabado de Gloria ay nag-bonding naman ang family namin sa GG Resortsa Lingsat, San Fernando, La Union. Ito ang first resort sa Lingsat na six months pa lang. Gusto naming pasalamatan ang kaibigang Gary Gapas sa pag-accommodate sa amin at kay Chef John Harley Shoemaker sa napakasarap na niluto niyang dinner. Para sa mga gustong mag-inquire sa GG Resort tumawag kina John-09065078927 at Joe-09758552285.

Bilib kami kay Gary dahil ang mga naipon niya sa pagtatrabaho sa Qatar ay may magandang kinapuntahan gaya ng pagtatayo ng GG resort at pagnenegosyo ng ‘Pampanga’s Best’ sa San Fernando, La Union.

“Sana maging successful itong bago kong business at mapalaki para marami pa akong matulungan,”  sambit pa ni Gary.

Talbog!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …