Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alden, rumaket pa rin kahit Holy week

MAGANDA ang ginawa ni Alden Richards  bago sumapit ang Semana Santa at ito ang pag-amin na wala silang relasyon ni Maine Mendoza. Bagkus, magkaibigan lamang sila at wala nang hihigit pa roon.

Isang desisyong puwedeng maglagay sa panganib ng kanilang loveteam.

Hinangaan namin ang aktor dahil sa kanyang pagpapakatotoo at hindi nasilaw sa anumang alok para paibigin ang kapareha. Alam nitong malaking bentahe sa kanya ang ma-link kay Maine pero hindi niya iyon ginawa.

Ayon sa aming source, ang aktor ang klase ng tao na hindi padalos-dalos magdesisyon.

Kung nasunod ang plano, nasa bansa na si Alden kahapon, March 28 dahil ang balik nito ay umaga ng Easter Sunday mula sa Canada dahil sa kanyang Bae In The City, The Canada Tour 2016 handog ng GMA Life TV, GMA Pinoy TV, atGMA News TV International.

May mga nababahala na baka bawiin sa actor ang grasyang tinatamasa ngayon dahil nawawalan na ito ng oras sa Panginoon.

But God is good, sa tamang panahon ay sumikat si Alden, kaliwa’t kanan ang raket. Pero kung hindi man siya nakapag-observe ng Holy Week, hindi siya ang dapat sisisihin dahil desisyon ito ng management na kahit Holy Week na nasa ibang bansa ito para rumaket.

STARNEWS UPLOAD – Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …