Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pamilya Revilla, kay Grace Poe ibinigay ang suporta

PATULOY na dumarami ang mga politikong nakikipag-alyansa kay Grace Poe. At ang pinakabago niyang kakampi ay ang mga Revilla (Bautista) ng Cavite.

Sinusuportahan si Grace nina Bacoor City Rep. Lani Mercado-Revilla (ngayon ay kandidatang alkalde ng kanilang siyudad), Vice Governor Jolo Revilla, at Bacoor City Mayor Strike Revilla (kandidato namang congressman).

Kung ang United States of America ay maaaring ngayon lamang magkaroon ng babaeng pangulo sa katauhan ni dating First Lady at Secretary of State Hillary Clinton, dito sa atin sa Pilipinas ay mukhang namumuro na ang ikatlong babaeng pangulo.

Ngayon wala ng hadlang sa kandidatura ni Poe na patuloy na lumalaki ang agwat sa apat na kalaban. Ito ay batay sa reaksiyon at sa rami ng mga taong dumadalo sa kanilang mga meeting.

Dahil pinayagan ng Supreme Court si Poe na kumandidatong pangulo lalong dumarami ang gustong bumoto sa kanya.

At dahil hindi makaabante sa survey si Miriam Defensor-Santiago kung kaya mukhang nawalan na siya ng interes dahil mismong ang ikalawang presidential debate sa Cebu City ay hindi na niya sisiputin. Pero ang sinasabi niyang dahilan ay may kinalaman sa kanyang kalusugan at pagpapagamot sa kanyang sakit.

Marami ang nagtatanong, bakit malakas ang kandidatura ni Grace? Sawa na ba ang ating mga botante sa mga trapo kaya malaking advantage ni Grace ang pagiging baguhan sa politika?

Marami rin ang nagsasabi na mas mahirap himukin ang isang babaeng pangulo para tumanggap ng suhol kaysa lalaki.

Sa loob ng tatlong taon ni Grace sa Senado nagpakita siya ng katatagan at tibay ng dibdib. Hindi siya nasindak manindigan at makipag-debate sa mga beteranong senador. Lalo na kung ang isyung pinag-uusapan ay kapakanan ng mga mamamayang kanilang pinaglilingkuran.

At dahil 48 taon pa lamang si Grace kaya siya ang pinakabatang kandidatong pangulo. Advantage pa rin niya ang kanyang kabataan dahil karamihan sa mga botanteng nasa edad 18 hanggang 30 ay malamang na si Grace ang gustong iboto dahil nakare-relate sila sa kanya.

Mukhang ang ating mga kabataan ang magdadala kay Grace sa Malacanang.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …