Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alden, sold out ang concert at ‘di totoong flop

Nagkamali ang mga basher ni Alden na lalangawin ang kanyang first major concert sa Ynarez Center sa Antipolo dahil nasa 85%  to 90% ito. Sold out at puno ang ibaba ng venue at ang may bakante lang ang ‘yung General Patronage sa taas.

Habang umiikot kami sa Ynarez Center ay sobrang haba ng pila na nasaksihan namin. Sey nga naming, waging-wagi ang CCA Entertainment  Productions ng actor-producer na si Joed Serrano.

Hindi flop ang concert ni Alden kompara sa concert ng isang sikat ding young actor na nag-concert din sa Ynarez kamakailan na walang promo at itinago yata ang concert, huh!

Sa magandang resulta ng concert ni Alden, mukhang tuloy-tuloy na ang concert tour ng Aldenvasion sa iba’t ibang lugar gaya ng plano ni Joed.

May effort at pinaghandaan ni Alden ang first major concert niya. Ang laki ng improvement ng performance niya kompara noong mapanood namin siya sa Dubai show niya noong January. Havey ang opening number na may back-up dancer pa at nag-harness pa galing sa itaas. May live band din siya kaya hindi minus one ang ginamit niya.

032116 alden concert

Pinaghandaang mabuti ang concert

Magaganda rin ang mga piyesa na kinanta niya at hindi lang puro ballad. Pati angTwerk It Like Miley ay kinanta niya at sinayaw.

Pinasaya rin ni Boobsie Wonderland ang concert ni Alden bilang isa sa mga guest. May bago na naman siyang jokes at gimik na ‘pindutin mo ang ari mo’ at ‘pag nagkamali ng sagot ay siya naman ang pipindot. Sey ng mga press na kasama ko, kaya na ni Boobsie na mag-isa at  mukhang sayang lang ang ibinayad kinaKim Idol at Ate Reg na hindi nag-shine noong gabing ‘yun. Namamaos pa si Kim kaya lalong waley.

Pang-promo naman ng My Millionaire’s Wife ang dating ng guesting nina Mike Tan at Andrea Torres na halatang nag-LS (lip sync).

Pero congrats kay Alden dahil pinatunayan niya na hindi pa siya laos at marami pa ring sumusuporta sa kanya. Congrats din kay Joed dahil hindi siya nagkamali na i-produce ang Pambansang Bae.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …