MAHIGIT tatlong buwan bago bumaba sa puwesto, naglabas pa ang Department of Budget and Management (DBM) nang mahigit isang bilyong piso para sa pagpapailaw sa mga liblib na lugar sa bansa.
Sa kalatas ng DBM kahapon, nakasaad na naglabas ito ng P1,041,966,000 pondo ang para sa pagpapatupad ng ilang proyekto ng Department of Energy (DoE).
Magagamit anila ang pondo para sa proyektong Nationwide Intensification of Household Electrification (NIHE) at Household Electrification Program(HEP) ng DoE sa mga liblib na lugar na gumagamit ng renewable energy gaya ng solar-powered home systems.
Sa ilalim ng naturang proyekto, target ng DoE na mapailawan ang hindi bababa sa 40,000 sambahayan sa pagitan ng 2015 at 2017. Ito ay sa pakikipagtulungan ng ilang electric cooperatives.
Ayon kay Budget Secretary Butch Abad, makatutulong ito para maabot ang target nitong 90% household electrification sa mga liblib na lugar bago dumating ang 2017.
ni ROSE NOVENARIO