HINDI lang sina Ogie Alcasid, Eddie Garcia, Giselle Sanchez, Nora Aunor ang lantarang sumusuporta sa tandem nina Sen. Grace Poe at Sen. Chiz Escudero.
Maging malalaking grupo ng coconut farmers na kabilang sa Confederation of Coconut Farmers Organization of the Philippines na sumasakop sa 90% ng mga magsasaka ng niyugan ay ibinuhos ang suporta kina Poe at Escudero.
Nauna rito binanatan ng administrasyong Aquino ang Galing at Puso team nina Grace at Francis na nagpahayag ng kanilang pagkontra sa balak na privatization ng mga coco levy asset.
Ang confederation na pinamumunuan ni chairman Efren Villasenor ang original na naghain ng petisyon sa Supreme Court para kontrahin si Noynoy sa pagpapatupad ng anila ay illegal Executive Orders 179 at 180 na magkakaroon ng imbentaryo sa assets ng coco levy fund para ito ay maipasubasta sa pribado at paglilipat ng pondo para sa ibang gastusin.
Ang Confederation of Coconut Farmers ay isa lamang sa maraming organisasyong sumusuporta Kay Poe dahil malaki ang kanilang tiwala sa kakayahan niya bukod sa kanilang limang kandidatong pangulo ay siya lamang ang hindi trapo.
Ang walang katapusang tunggalian ng mamumuhunan at manggagawa ay maraming ulit ng ginamit na istorya sa mga pelikula ni Fernando Poe, Jr..
At dahil romanticized ang mga istorya sa pelikula kung kaya laging nagwawagi ang manggagawa sa dakong huli.
TALBOG – Roldan Castro