MAGPAPAHINGA muna raw si Jessy Mendiola pagkatapos ng You’re My Home na huling dalawang Linggo na lang dahil masyadong seryoso at madrama ang tema ng serye . Mabuti nga’t mayroon siyang ibang show gaya ng Banana Sundae na light at tumatawa siya.
Anyway, dahil sa seryeng You’re My Home, nadiskubre rin na may chemistry sila ni JC De Vera. Balitang, ipatatawag sila ng management dahil may nilulutong project para sa kanilang dalawa.
Love na ang tawagan nina JC at Jessy sa nasabing serye pero sa totoong buhay ay lovey-lovey lang sila, friends kumbaga. Sey nga ni Jessy, noong una, akala niya ay hindi niya makakasundo si JC at magiging close pero noong makilala na nila ang isa’t isa ay magaan din naman kasama ang actor. Madaling pakisamahan.
Nagpapasalamat naman sina Jessy at JC dahil nagkaroon ng fans ang team-up nila sa serye na kung tawagin ay GraceTian.
“Everytime nanonood ako ng ‘You’re My Home’, kinikilig din ako kay Christian at Grace. Na-in love na ako sa characters nila at romantic ang love story nila. Sa lahat ng GraceTians, maraming salamat dahil kami as actors, ginaganahan umarte kasi alam naming kinikilig sila,” pagbahagi ni JC.
“Gusto naming magpasalamat sa lahat ng nagpupuyat para mapanood ang show namin. Naa-appreciate nila ang hardwork namin. The fact that they stay up late to wait for us and our show is heartwarming. Sa sobrang late ng timeslot hindi namin in-expect na mataas ang ratings at tumatak ang characters at story sa mga tao,” sabi ni Jessy.
Tutukan ang huling dalawang linggo ng You’re My Home pagkatapos ng The Story of Us sa ABS-CBN Primetime Bida. Tampok din sina Richard Gomez atDawn Zulueta.
TALBOG – Roldan Castro