Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bentahan ng tiket ng Aldenvasion concert ni Alden, malakas

MASAYA ang  actor-producer na si Joed Serrano dahil maganda ang sales ng tickets sa concert ng Pambasang Bae na si Alden Richards sa Ynarez Center, Antipolo entitled Aldenvision ngayong March 18, Friday 8:00 p.m..

Ubos na raw ang VIP tickets at General Admission na lang ang natira.

Bakit hindi niya sinukuan si Alden pagkatapos na  hindi matuloy  ang kanyang P20-M offer para  sa Valentine’s concert sa Smart Araneta Coliseum?

“Mabenta… Ang best formula ng successful na concert ay  mabentang produkto at lehimong producer. May mga nag-try magprodyus  pero hindi legimate  kaya hindi alam i-market,” deklara  niya.

Napatunayan ni Joed ang lakas ng hatak ni Alden sa sales ng tickets at hindi ito lalangawin sa Biyernes. Alam kasi ng fans na concert talaga ‘yun ni Alden at hindi sila mabibitin sa performance nito.

Naniniwala rin si Joed na mabenta si Alden dahil effective rin itong endorsers at nagtitiwala rin sila na bebenta ang produkto nila. Kagaya raw ito ni John Lloyd Cruz na hanggang ngayon ay hindi pinapalitan sa ini-endorse niyang gamot.

May pasabog si Alden sa kanyang concert sa Ynarez Center sa Antipolo. Parang concert daw ito na ginagawa sa Araneta.

“Ang ‘Aldenvision On Tour’ ay parang astronaut si Alden na kumu-conquer ng bawat lugar. Iikot kami sa Pampanga, Batangas, Pangasinan, Tarlac ganoon. May surprise rin siya sa Friday pero hindi sinasabi ng GMA kung ano ‘yun. Mapapanood si Alden na hindi lang three songs. May live band din siya. Walang ipinagkaiba sa Araneta concerts. Bongga ‘yung opening dahil 30 ang back-up dancers,” kuwento pa ni Joed.

Guests ni Alden sina Mike Tan, Andrea Torres, Boobsie Wonderland, Ate Reg,at Kim Idol.

Manood kaya si Maine Mendoza o sosorpresahin niya si Alden?

‘Yan ang abangan…

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …