Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paolo, suspendido sa Eat Bulaga

KOMPIRMADONG suspendido si Paolo Ballesteros sa Eat Bulaga dahil mula noong Sabado hanggang Martes ay wala siya. Si Jimmy Santos ang kasama nina Jose Manalo at Wally Bayola noong Lunes sa segment na Juan For All, All  For Juan.

Bumubula ang post ni Paolo sa kanyang Facebook account noong Huwebes sa staff ng TAPE, INC.

Narito ang sunod-sunod na mababasa sa Facebook account ni Paolo na habang isinusulat namin ay hindi pa niya binubura.

“Ah baka po gusto nyo na pong magreply or magpapunta po ng tao dito sa hotel po para sabihan kame po kung ano po ang mangyayare po. 30 minutes nyo na po na-READ yung text ko po. Liza Marcelo Lazatin.

“Akalain mo yon??? Isang oras at kalahati na kame nakatanga sa room namen? Hanggang ngayon wala pa reng nagsasabe samen kung anong oras at anong mga kaganapan??? Nakapagrant nako nyan dito sa FB  ha! Waw. Titigas ng mga mukha nyo ha Liza Marcelo Lazatin,” mababasa sa FB niya.

“Sa mga bumubuo ng production ng pesteng event na to, hindi ko alam kung sino sino kayo dahil si Liza Marcelo Lazatin lang naman ang nagtetext saken nung una, Im sure lahat kayo may FB at mababasa n’yo to kaya dito ko na lang sasabihin. E tutal hanggang ngayon wala paring nagsasabe sa amen kung anong mga magaganap, pati mga make-up artist namen at wardrobe andito na sa room lahat kame CLUELESS, at wala atang may alam sainyo kung ano ang magaganap, oorder nako ng redhorse at iinom nalang ako sa kwarto ko ok. Wag nyokong IISTORBOHIN. Bow. Shot na <Øûß”

Sinubukan naming kunan ang panig ni Paolo sa Facebook Messenger tungkol sa kanyang suspension pero emoticon lang ang ipinadala niya na hindi namin makita kung sad face o smiling face pero nakatungo ito. Hindi pa rin malinaw kung kailan siya babalik sa programa.

Ang Tape, Inc. ang sponsor ng dinner ng AdSummit noong Thursday na  naroon ang cast ng Eat Bulaga na ginanap sa Subic Bay Freeport Zone.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …