Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sino kaya ang magwawagi sa tapatang Willie at Robin?

MAY bagong challenge na haharapin si Willie Revillame sa kanyang programangWowowin. Tapos na pala ang Kapamilya, Deal or No Deal ni Luis Manazano at ang papalit ay ang bagong game show nina Robin Padilla at Alex Gonzaga naGame ng Bayan sa ABS-CBN 2.

So, Willie Revillame versus Robin Padilla.

Hindi maitatatwa na malakas din ang karisma ni Robin sa masa kagaya ni Kuya Wil kaya matindi ang magiging tapatan nila.

Boom!

Eddie, sobrang supportive kay Mikee

ANG bilis ng panahon dahil ang binatang kasa-kasama ni Eddie Garcia ‘pag mayFAMAS Awards at Star Awards ay isang matagumpay na ngayong negosyante, ekonomista na si Mikee Romero. Nasa top 26 ito bilang Richest Man in the Philippines, may-ari ng Globalport Batang Pier sa PBA, dating player ng La Salle Green Archers noong nag-aaral pa siya ng business administration. Ang kanyang AirAsia ay naging major sponsor naman sa Asean Basketball League (ABL).

Ang kanyang ina na si Lilibeth Lagman ang kinakasama hanggang ngayon ng veteran actor. Thirty five years na silang magkasama. Kahit anong larangan ang pasukin niya ay nariyan si Eddie na very supportive kung ano ang gusto niya. Kahit busy si ‘Manoy’ sa taping ng Little Nanay ay tiyak na sosorpresahin niya si Mikee sa kampanya nito sa 1-Pacman partylist.

Yes, dahil sa matinding pagmamahal ni Mikee sa sports ay kinuha siyang No. 1 nominee ng 1-Pacman partylist dahil ang advocacy nito ay naaayon sa mga katangiang taglay niya.Nakatuon ang kanyang paglilingkod sa bayan sa pamamagitan ng sports, edukasyon, at trabaho.

Talbog!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …