Wednesday , December 25 2024

Carrot Man, pag-aaralin ni Willie

WALA pa ring kupas si Willie Revillame bilang TV host. Mahal pa rin siya ng masang Filipino.

Minsan nga ay nagbiro siya sa Wowowin na kung si Alden Richards ay love ng mga kabataan, sa kanya naman ang mga matatanda, ang mga nanay, lola. True naman ‘yun dahil kahit sa TV ay makikikita ang asim niya sa mga senior citizen. Gusto talaga siyang makita ng personal at mayakap ng mga matatanda.

Pero hindi rin lang matatanda ang market ni Kuya Wil dahil ang request ng internet sensation na si Carrot Man ay makita ng personal si Willie.

Sumasaludo rin kami kay Kuya Wil dahil mabilis ang kanyang aksiyon sa pagtulong. Pinangakuan niyang pag-aaralin  ng Wowowin si Carrot Man (Jeyrick Sigmaton) nang dumalaw ito sa kanyang programa. Naawa ang matulunging TV host dahil ultimong mall ay hindi alam ni Carrot Man.

Bukod dito, simpleng buhay ang  gusto ni Carrot Man at makapagtapos ng pag-aaral para makaahon sila sa hirap.

“Gusto mong mag-aral sa Baguio City, ‘di ba? Sige tutulungan kita. Kung gusto mo, pag-usapan niyo ng staff ko, mag-enroll ka roon,” sey pa niya.

Talbog!

TALBOG – Roldan Castro

About Roldan Castro

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *