Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Intimate scenes ni Richard kina Jasmine, Sam at Bangs, ayaw panoorin ni Sarah

SINUPORTAHAN ng pamilya Gutierrez ang advance screening ng Ang Panday na pinagbibidahan ng Ultimate Primetime King na si Richard Gutierrez na magsisimula sa February 29 sa TV5.

Bagay na bagay kay Richard na maging Ang Panday na idinirehe ni Mac Alejandra. Ang ganda ngayon ng katawan niya. Nabigyan niya ng justice ang dating ginampanan nina Fernando Poe Jr., Bong Revilla Jr., at Jericho Rosales.

Parang pelikula ang napanood namin sa bagong version ng Ang Panday. Panalo sa special effects at maganda ang musical scoring na lalong nagpaganda sa nasabing fantaserye.

Sa pilot episode ay may patikim na ng labanan nina Flavio at Lizardo na ginagampanan ni Christopher De Leon.

Sa umpisa pa lang ay mararamdaman mong may kakaibang  twist  ang  Ang Panday dahil ang makalumang kuwento ng Ang Panday ay dadalhin nila sa new generation.

Sisimulan din ang istorya noong bata pa na nagkahiwalay ang  magkapatid na Richard at Carlos Agassi. Makikita kung paano pinagmalupitan noong bata pa si Carlos ng kanilang ama (John Regala) kaya lumaki itong masama. Si Richard naman ay pinalaki ng pari kaya lumaking mabuting tao at may takot sa Diyos. SiAra Mina ang gumanap nilang ina.

Kahit ang anak ni Richard na si Zion ay tuwang-tuwa habang pinanonood ang Ang Panday. Nag-i-enjoy siya sa espada na ginagamit ng kanyang ama.

Dumating din si Sarah Lahbati sa advance screening pero sinabi niya na ayaw niyang panoorin  ang mga love scene ni Richard sa kanyang  leading ladies na sinaJasmine Curtis-Smith, Sam Pinto, at Bangs Garcia. Ayaw raw niyang maapektuhan kaya hindi na lang niya panonoorin ang intimate scenes ni ‘Chard sa kanyang mga ka-partner.

Pak!

Boom!

( ROLDAN CASTRO )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …