Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Movie & TV industry, nagluksa sa pagkawala ni Direk Wenn

MALUNGKOT ang Lunes sa industriya ng pelikula at telebisyon dahil pumanaw na ang Box Office director na si Wenn V. Deramas sa edad na 47.

Ayon sa balita, nagpunta raw ito sa kanyang kapatid na nasa Capitol Medical Center bandang 2:00 a.m. na isinugod din sa hospital. At doon siya nagka-heart attack.

Huling naipalabas na pelikula ni Direk Wenn ay ang top grosser sa Metro Manila Film Festival 2015, ang Beauty and the Bestie. Kilala rin si Direk Wenn sa mga idinerehe niya gaya ng FlordeLiza, Marina, Mula Sa Puso, Saan Ka Man Naroroon, Sa Dulo Ng Walang Hanggan atbp..

“Isang napakalungkot na araw. Sagad hanggang buto ang lungkot. Paalam Direk Wenn. Mahal na mahal kita,” mababasa  kay Vice Ganda sa Twitter.

“Saddening news that breaks my heart.Paalam Nay, I miss you and love you so much Direk Wenn,” tweet naman ni Anne Curtis.

Maraming taga-industriya ang nagluluksa at nakikiramay sa social media dahil sa biglaang pagkamatay ni Direk Wenn gaya nina Luis Manzano,  Dingdong Avanzado, Christian Bautista, Atak Arana, Richard Yap, Camille Prats,Maxene Magalona, Jugs Jugueta, Kean Cipriano, Dimples Romana, Marvin Agustin, Nadine Lustre, Nikki Valdez, Jolina Magdangal atbp..

Ibuburol siya sa Arlington Memorial Chapels.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …