Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sadyang walang kahihiyan

SADYANG walang natitirang pagpapahalaga sa kahihiyan ng ating bayan ang pamunuan ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III. Nasabi ko ito matapos payagan ng kanyang administrasyon na maglagay ang Kaharian ng Saudi Arabia ng sarili nilang security x-ray machines sa Ninoy Aquino International Airport dahil umano sa banta ng terorismo laban sa kanilang mga eroplano dito sa lugar natin. Hindi man lamang pinalabas na donasyon ang mga x-ray machines na eksklusibong gagamitin ng mga pasahero ng Saudia Airlines. Talagang ipinamukha sa atin ng pyudal na kahariang ito na tayo ay walang kakayahan na tiyakin ang seguridad ng kanilang mga eroplano sa NAIA. Kung tayo kaya ang magpadala ng ating security devices sa paurong na kahariang… payagan kaya nila?

Siguro kung katulad tayo ng makapangyarihang US of A pero tayo hmmmmmm malabo. Sabagay hindi kataka-taka. Kasi yung pangulo natin na si BS Aquino ay nangayuyupapa pa sa mga dayuhang Amerikano para magtayo uli ng mga base militar dito sa atin, e pareho namang banyaga rin ang Saudi. Basta dayuhan ang humiling sa administrasyong ito, papayagan agad kahit na nagmumukha tayong kahiya-hiya o kawawa. Pero kapag ang tunay na hikahos na mamamayan ang humingi ng pabor, tulad na lang halimbawa ng pagtataas ng benepisyo ng SSS o pagpapababa ng halaga ng tuition ay bahala kayo sa buhay ninyo…buhay pa naman kayo a. Kaya para sa mga boboto sa darating na eleksiyon, hindi po ako boboto para sa pagkapangulo kasi sawa na akong bumoto ng mga lesser evil, tandaan ninyo kapag itinuloy ninyo ang “daang matuwid” tiyak na magkakawindang-windang ang buhay ninyo…

***

Puwede nang isakay sa mga eroplano dito sa atin ‘yung mga lithium powered transportation o communication devices. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang aking bagong website,www.beyonddeadlines.com

Ang website na ito ay maglalaman ng malalalim na talakayan kaugnay sa mga pangyayari sa ating bayan at iba pa na mahalagang impormasyon para sa pang-araw-araw nating buhay. Sana ay makaugalian din ninyo na bisitahin ang website na ito. Pakikalat ang balita tungkol sa www.beyonddeadlines.com Salamat po.

* * *

Kung ibig ninyo na maligo sa hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subd., Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City, Laguna. Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sahttps://www.facebook.com/privatehotspringresort? fref=ts para sa karagdagan na impormasyon o reserbasyon.

[banner id="96056"]

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …