Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Taiwanese na surgeon dermatologist swak sa parricide (Laman-loob, bahagi ng katawan itinapon sa septic tank)

SINAMPAHAN ng kasong parricide sa Makati City Prosecutor’s Office ang isang Taiwanese national na suspek sa pagpatay sa kanyang misis na pinagputol-putol ang katawan nitong Martes ng gabi (Pebrero 23) sa nasabing lungsod.

Sinabi ni PO3 Ronaldo Villaranda, ng Homicide Section ng Makati City Police, kinasuhan ng parricide ang suspek na si Yuan-Chang Kuo, 46, dermatologist at registered surgeon, ng 6647 Taylo St., Brgy. Pio Del Pilar ng naturang lungsod.

Inaalam na rin ng pulisya ang background record ng suspek upang mabatid kung may naging kaso siya sa Taiwan.

Sinabi ng pulisya, inamin ng suspek na ang laman-loob ng kanyang misis na si Rowena Cobalida Kuo, 47, itinapon niya sa septic tank ng kanilang bahay gayondin ang hiniwa-hiwa niyang mga kamay at mga paa.

Aalamin din ng pulisya kung nasa matino pang pag-iisip ang banyaga dahil mababakas sa mukha na walang bahid na pagsisisi sa kanyang ginawa sa asawa.

Kahapon ng hapon, nakuha ang laman-loob, mga daliri, kamay, at atay ng biktima sa loob ng septic tank.

Nitong Martes (Peb. 23) dakong 9:15 p.m. natagpuan ng mga anak ng suspek ang putol-putol na katawan ng biktimang si Rowena sa stock room ng bahay sa ikatlong palapag nang map naginipan ng anak na si Joan Jane ang kanyang ina.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …