Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Special effects ng “Ang Panday”, bongga

NAPANOOD namin ang one week episode ng Ang Panday sa SM Aura cinema.

The story started  sa pagkabata ni Miguel (Richard Gutierrez). Sa first scene ay ipinakita ang paglusob  ng mga kampon ni Lizardo (Christopher de Leon) sa mga mamamayan  ng isang nayon na sa matinding takot ay tumakbo sa isang lumang simbahan. Mabait naman ang paring kumupkop sa kanila pansamantala.

022616 RICHARD GUTIERREZThen, umapir si Ara Mina (ina ni Richard) at ipinakitang iniwan nito ang baby pang si Miguel sa tapat ng pintuan ng simbahan. Narinig ng matandang pari ang iyak ng sanggol at napagpasyahang ampunin ito.

Malupit na asawa ni  Ara si John  Regala, the reason why nagbalak siya at  ang kanyang panganay na anak na tumakas kaya lang ay nahuli sila ni John. Nagbanta si John na papatayin ang anak kaya napilitan si Ara na lumayas. Lumaki ang anak na masama at binigyang buhay ito ni Carlos Agassi.

Ipinakita sa isang episode na nagkukuwento si Bodjie Pascua sa ilang kabataan about Panday. Nang mag-uwian na ang mga bata ay nagpunta si  Miguel sa kanya. Roon niya nadiskubre na ito na ang hinihintay niyang panday.

Maganda ang production design ng obra maestra ni Carlo J. Caparas, halatang hindi tinipid. The viewers will have a glimpse of beautiful sceneries. Postcard-perfect ang mga lugar. Bongga ang special effects lalo na sa eksenang may parang meteor na biglang bumagsak sa sand dunes na naroroon si Miguel. Okay naman ang acting ni Richard bilang panday at physically perfect naman siya.

Magsisimula na Ang Panday sa Monday, February 29 sa TV5.

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …