Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lovescenes nina Gerald at Arci, sobrang wild at intense

NINE years na sa showbiz si Arci Muñoz at ngayon lang nabigyan ng malaking break sa pelikula at naging leading lady ng isang Gerald Anderson. Hindi ba siya natakot na bida agad sa Always Be My Maybe?

Excited daw siya sa project na ito at napatunayang worth ‘yung paghihintay niya. Hindi naman daw niya nakuha lang ito sa loob ng 24 hours mula nang magsimula siya sa showbiz. Kaya naman greatful at thankful siya sa malaking opportunity na ito sa Star Cinema.

Ano ang reaksyon niya sa sinasabi nilang siya ang the next big star?

‘I’m more excited right now sa napakagandang blessings na dumarating sa akin. At para masabi po nila ‘yan sa akin, at sabihin nila sa akin hindi ko na talaga alam kung paano sila pasasalamatan,” pakli ni Arci.

“Pana-panahon lang po talaga,” sambit pa niya.

Todo puri rin si Arci kay Gerald dahil gentleman ito kaya madaling ma-fall ang mga babae sa kanya. Sinabi rin nya na generous sa shooting ang aktor. Akala niya ay pinatataba siya ni Gerald at sinasabotahe dahil lagi siyang pinakakain ‘pag may love scene sila. Magtatanong daw si Ge kung ano ang gusto ni Arci at magpapabili ito gaya ng chichirya. Habang kumakain si Arci, strict naman sa diet si Gerald. Akala ni Arci, chubby si Gerald dahil nagda-diet pero noong mag-topless ito ay napanganga siya.

“Noong love scene pagkatanggal ng shirt as in, ako kunware ‘yung nagti-tease, pagtanggal sabi ko… ang ganda ng katawan, nakakainis. Kaya pala ako pinakakain kasi siya ang ganda ng katawan niya,” kuwento ni Arci sa presscon ng Always Be My Maybe.

Inamin naman ni Gerald na pinaka-intense ang love scene nila ni Arci sa lahat ng love scene na nagawa niya. Sobrang daring daw si Arci na kinunan nila ng buong araw. Ito raw ang pinakamatagal nilang love scene at wild. Hindi lang daw isa ang love scenes nila.

Tinanong din si Gerald kung ‘maybe’ lang ba ‘yung mga past relationship niya? Kailan na naging ‘maybe’ ang love?

“Siyempre,ayaw kong maging unfair sa mga involved…but kasalanan ko,eh. Kasalanan ko lagi,so, kumbaga, nangyari, nilagay ko ang sarili ko sa situwasyon na ‘yun. Hindi ko alam ang ibig sabihin ng ‘maybe,’ Hindi ko alam kung ano ang nangyari but kasalanan ko. Pero ‘yun..’yun,” honest niyang deklara.

Talbog!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …