Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Matteo, suportado ng Sarah at Liza fans

MUKHANG nakaisa si Matteo Guidicelli kay  Enrique Gil kasi sampung araw silang nagkasama ni Liza Soberano sa taping nila ng bagong serye ng ABS-CBN 2 na Dolce Amore na magsisimula ngayong Pebrero.

Pabor din si Matteo kung pagselosan siya ni Enrique sa serye dahil ibig sabihin ay effective siyang ka-love triangle ng LizQuen pati na ang acting niya. Hindi naman daw siya bina-bash ng fans ng LizQuen fans  kundi welcome pa raw siyang mag-post ng picture nila ni Liza.

Kahit ang fans nila ni Sarah Geronimo ay very supportive sa bagong serye ni Matteo.

Aminado ang young actor na kinikilig din siya sa nakikita niyang sweetness at closeness nina Enrique at Liza. Nakaka-good vibes at astig ang dalawa. Nagtatawanan lang daw at ini-enjoy nila ang company ng bawat isa.

Masaya si Matteo na naging parte siya ng Dolce Amore. Matagal din daw siyang nawala sa primetime. Gaganap siya bilang si Giancarlo, ang best friend ni Serena (Liza) na may lihim na pagtingin sa kanya.

Makakasama rin nila sina Cherie Gil, Ruben Maria Soriquez, Edgar Mortiz, Rio Locsin, Kean Cipriano, Sunshine Cruz, Andrew E, at Frenchie Dy.

“Sobrang blessing itong project na ito. Malapit  sa akin ‘yung character kasi Italyano siya and sobrang close sa puso ko kasi nag-shoot kami sa Italy at  nakikita ko ‘yung Italian culture namin, ‘yung sa Lolo ko, sa family ko,” sambit niya.

Dream din daw niya na makatrabaho si Direk Cathy Garcia-Molina.

Talbog!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …