Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jiro, balik-private facility at ‘di balik-droga

WALANG katotohanan ‘yung mga nasulat kay Jiro Manio na umano’y bumalik na uli siya sa paggamit ng drugs pagkatapos lumabas mula sa isang private facility.

Madalas nga raw umaalis ang batang aktor sa condo na tinutuluyan niya para puntahan ang dating mga kabarkada at muling makipag-session.

Ang kasama ni Jiro sa condo na inuupahan niya na binabayaran ni Ai Ai delas Alas ay ang tiyuhin niya. At kapag umaalis siya ng condo ay lagi niyang kasama ito.

Noong minsang magkita nga kami ni Jiro ay kasama niya ang tiyuhin niya. So, paanong muling gagamit ng drugs si Jiro? Alangan namang  hayaan ng tiyuhin niya si Jiro na muling mag-drugs? Ito nga ang tumatayong bantay niya ngayon para hindi siya muling maligaw ng landas.

Ipinangako ni Jiro na hindi na siya muling gagamit ng drugs at pinaninindigan niya ang pangakong ito.

Mas gustong mag-Japan kaysa mag-artista

Hindi balik-droga si Jiro kundi balik-private facility siya. Yes, dinala siya ulit doon ni Ai Ai dahil sa tingin nito ay hindi pa tuluyang magaling si Jiro at kailangan pang muling gamutin.

Pinag-a-acting workshop kasi ni Ai Ai si Jiro bilang preparasyon sa muli niyang pagbalik sa showbiz at para na rin sa guesting niya sa  Magpakailanman. Noong una ay dumadalo ng workshop si Jiro pero noong bandang huli ay hindi na, tinamad na ito.

Sinabi niya kay Ai Ai na ayaw niya nang mag-artista na gusto niyang mamuhay na lang bilang isang ordinaryong tao.  At nagpupumilit itong pumunta na lang ng Japan para makita ang tunay na ama at doon na lang mag-stay for good.

Nawindang si Ai Ai sa naging desisyon na ito ni Jiro. ‘Yun ang naging dahilan para  mag-decide na nga lang ang Concert-Comedy Queen na ibalik sa private facility si Jiro dahil nga sa tingin nito ay hindi pa ito totally magaling.

MA at PA – Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …