Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga mahihirap na eksena sa Pangako Sa ‘Yo, ibinahagi nina Daniel at Kathryn

020916 Kathniel
HINDI naging madali para sa cast members ng Pangako Sa ‘Yo ang taping nila.

For Daniel Padilla, ang first taping day ang pinakamahirap.

“Nandoon kami sa Nueva Ecija, sa Pantabangan Dam. Todo ang init noon, eh, ‘yung araw parang parang katabi lang namin. Naalala n’yo ‘yung eksena na nakahubad ako?

“Mahirap dahil una first day, kinakapa pa namin ‘yung characters namin. Si direk kinakapa pa kami kung paano kami iha-handle. Mahirap kasi maraming sacrifices pero maganda naman ang kinalabasan. After niyon ay hindi mo mararamdaman ang hirap. Mararamdaman mo ‘yung sakit ng araw sa balat mo pero nawawala rin ‘yon,” chika niya.

Ang palengke scene naman ang most memorable  for  Kathryn Bernardo.

“It was an all star cast tapos hindi madali ang location. Nasa totoong palengke kami. Ang daming daga na parang pusa na lumalabas dahil nabubulabog sila. As in lahat nagpapa-panic na. Kahit hindi kayo takot sa daga ay matatakot kayo kapag nakita n’yo. Aside from the emotions, hindi siya madali kasi heavy drama, nagkakagulo lahat, nagsasabunutan, mahirap physically, nakaka-drain siya emotionally. Parang nagsama-sama lahat. ‘Yung mga double namin, naospital sila, may nagsusuka pero it was all worth it,” she recalled.

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …