SINGLE si Lovi Poe sa nalalapit na Valentine’s Day. Nasa limbo raw ngayon ang lovelife niya.
”It’s complicated,” pag-describe niya sa status niya nang makatsikahan siya ng press para sa Fantaisie concert nila ni Solenn Heussaff sa Music Museum ngayong February 6.
Friends pa naman daw sila ni Rocco Nacino.
“Siguro, I just wanna keep it private kung ano ‘yung nangyayari,”bulalas niya.
”I’m completely happy where I am now,” deklara pa niya kung naka-move on na siya.
May kinalaman ba sa pera ang hiwalayan nila na nagalaw umano ni Rocco ang joint account nila?
“Ah, it’s not true, ‘yung about money, it’s definitely. . .(not true), parang hindi ko nga alam kung saan nanggaling ‘yun. It’s kinda unfai for Rocco. First of all, because Rocco is a good man and second, I am not the type to put up a joint account with someone I’m just in a relationship with..Parang, I guess I’m using my head aside from the fact that he’s not gonna do that and I’m also not the type,” deklara pa ni Lovi.
May nagsasabi ring charot lang ang split up nila para sa kanilang career.
”Well, I don’t know, basta ‘yung nangyayari sa aming dalawa, I just wanna keep it private,” sambit pa ni Lovi.
Samantala, ire-reveal nina Lovi at Solenn ang kanilang pantasya sa loob ng kuwarto sa concert nila ngayong Sabado sa Music Museum. Say nga ni Lovi, marami raw pasabog na makikita sa kanilang show.
Guests nila sina Ogie Alcasid, JC de Vera and Rodjun Cruz. Tickets are available at Music Museum or call 7216726 and Ticket World, 8919999.
TALBOG – Roldan Castro