Wednesday , April 9 2025

Dagdag-sahod ng gov’t employees sa EO ni PNoy (SSL-4 sa Kamara bigo)

MAKATATANGGAP ng umento sa sahod ang mga opisyal at kawani ng gobyerno sa pamamagitan ng isang executive  order na lalagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III.

Ito ay bunsod nang kabiguang maipasa sa Kamara de Representantes at Senado ang panukalang Salary Standardization Law 4 na magtatakda ng wage hike sa mahigit isang milyong manggagawa sa pamahalaan.

Ayon kay Budget Secretary Florencio Abad, inihahanda na nila ang rekomendasyon sa Pangulo para sa posibleng pagpapatupad ng first tranche ng salary increase para sa government employees base sa SSL 4 bill.

Umaabot sa kabuuang P57.9-B appropriation ang kasama sa inaprubahang General Appropriations Act of 2016 para sa first tranche ng wage hike.

Samantala, ang second tranche ay nakapaloob na sa National Expenditure Program (NEP) para sa taon 2017.

Ang panukalang national budget sa 2017 ay isasalin naman aniya sa susunod na administrasyon para sa pagpapatupad ng SSL 4.

About Rose Novenario

Check Also

Bulacan Police PNP

Bulacan police ops
3 tulak, 2 pugante swak sa hoyo

SA PINAIGTING na pasisikap ng pulisya laban sa kriminalidad, naaresto ang limang indibidwal na pawang …

knife, blood, prison

Step-son patay, ka-live-in sugatan sa saksak ng selosong partner

NADAKIP ng pulisya nitong Sabado, 5 Abril, ang isang lalaking inakusahang pumatay sa kaniyang anak-anakan …

Marilao Bulacan Planta sangkap bomba NBI

Sa Marilao, Bulacan
Planta ng sangkap sa paggawa ng bomba sinalakay ng NBI

SINALAKAY ng National Bureau of Investigation (NBI) sa tulong ng lokal na pulisya ang isang …

Cebu

Cebu isinusulong bilang Heritage Pilgrimage

ISINUSULONG ni Senador Lito Lapid ang pagpapalago ng heritage at pilgrimage tourism destinations sa lalawigan …

Chiz Escudero Imee Marcos

In aid of legislation
Imbestigasyon ni Marcos Ipinagtanggol ni Escudero

IPINAGTANGGOL ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang isinasagawang imbestigasyon ng Senate committee on foreign …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *