MAGKAKAROON ng Valentines concert sina Gladys Guevarra, Ate Gay, Papa Jack, at Boobsie Wonderland sa Smart Araneta Coliseum billed as Panahon Ng May Tama mula sa panulat at direksiyon ni Andrew de Real.
Ayon kay Boobsie, hindi siya natatakot o nakararamdam ng pressure kahit kasabay ng concert nila ang concert ni Regine Velasquez. Iba naman daw kasi ang tema ng kanilang concert, hindi lang daw ito basta kantahan kundi may halo pang comedy.
Kaya sigurado raw na mag-i-enjoy ang kanilang manonood.
Ilang berses na naming napapanood si Boobsie sa Zirkoh pero sa tuwina ay lagi pa rin kaming natatawa sa kanya, mahusay siya.
Siguradong sa kanilang concert ay sasakit ang tiyan ng kanilang audience sa katatawa sa kanya.
( ROMMEL PLACENTE )